"Takashi." Bati mo sa lalaking may kulay pilak na buhok. Mula sa magazine ay nag angat ito ng tingin.
"Y/n." Agad kang lumapit dito at yumakap. He's your best friend and your personal doctor.
"Kumusta?" Tanong mo at umupo sa kaharapan nito. Nagtaas ka ng kamay para agawin ang atensyon ng waiter. Nasa isang café kayong dalawa ngayon sa loob ng isang sikat na mall.
"Ayos naman. Ikaw ba?" Tanong niya pabalik. Nagkibit balikat ka at ngumiti para ipahiwatig na ayos ka naman.
It's been three days ng umubo ka ng mga talulot. Hindi rin kayo ulit nagkita ni Rindou dahil pareho kayong naging busy. Magkikita sana kayo ngayon pero nagkaroon siya ng lakad kaya gumawa ka rin ng sarili mo.
"E, ang love life, kumusta?" Pang aasar mo kay Takashi. Namula naman siya at nag iwas ng tingin dahilan para matawa ka.
"Wala. Hindi pa ako nakakaamin." Namumulang sagot niya.
Tumawa ka lang at inasar siyang 'torpe'. Matapos niyong meryenda sa café naisipan niyong maglakad lakad sa loob ng mall para magpababa ng kinain. Nagpaalam naman si Takashi na mag-c-cr lang.
Naghahanap ka ng mapapasukan na boutique ng may mahagip ang mata mo. Si Rindou na nakayakap ang isang kamay sa bewang ng isang babae. Nakangiti sila habang namimili ng damit. You can see his eyes twinkling in joy.
Mabilis kang tumalikod sa kanila at tinakpan ang bibig mo ng bigla kang umubo. Nabangga ka sa isang tao kaya yumuko ka para humingi ng tawad. Akmang lalakad ka ulit ng may humawak sa dalawang balikat mo.
Bumungad sa 'yo ang seryosong tingin ni Takashi.
"Still one sided love, i see." Hindi ka kumibo at nag iwas lang ng tingin. Naramdaman mong may pumunas sa kamay mong nakatakip sa bibig mo.
"Hanggang kailan mo ba balak magpakatanga sa gagong 'yon? Ang daming naghihintay sa 'yo, y/n."

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Krótkie Opowiadania𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui