Haitanis (mention of kakucho) x Reader ! Last words

86 2 0
                                        

“Bunso? Y/n? You're still awake?”

Hindi mo pinansin ang magsalita at nagpatuloy sa pagsusulat. Hindi mo pinansin ang presensya na lumapit sayo.

“Ilang araw ka mg walang tulog, Princess. Nag aalala na kami ni Kuya sayo.” Ani ng kapatid mong si Rindo pero hindi naging sapat ‘yon para umalis ka sa pagkakayuko at sa pagsusulat.

“Bunso, please. Magpahinga ka naman. Baka mamaya mapaano ka. Huwag mo naman pabayaan ‘yung sarili mo.” Saad naman ng nakakatanda mong kapatid na si Ran.

“Ayos lang ako pwede na kayong lumabas.” Wika mo.

Walang gumalaw sa pwesto nila dahilan para mapahugot ka sa hininga mo. Humigpit ang hawak mo sa ballpen at inulit ang sinabi mo.

“Nakikiusap ako. Gusto kong mapag-isa.” Pakiusap mo.

“Hanggang kailan ka ba ganyan?!” Sigaw ni Rindo. Agad na humawak si Ran sa balikat niya para pakalmahin siya.

“Hanggang kailan mo ba balak pahirapan sarili mo, ha?!” Sigaw niya ulit sayo.

“Rin, tama na.” Awat ni Ran pero inalis lang nito ang pagkakahawak sa kanya at hinawakan ka sa magkabilang braso at yinugyog.

“Patay na si Kakucho! Balak mo bang sumunod?! Magpapakamatay ka rin ba ha?!” Galit na sigaw sayo ni Rindo pero agad din siyang kumalma ng makita ka niyang lumuluha.

Tinapik mo ang kamay niyang nasa balikat mo.

“Sana nga! Putangina, Kuya! Sana nga mamatay na ako kasi ang sakit na, e! Sobra na ‘yung sakit na nararamdaman ko!” Sigaw mo.

Pinanood ka nilang humagulhol. Nasasaktan din silang makita kang nahihirapan pero wala rin silang magawa kung hindi ang panoorin ka.

“Sana nga mawala na ako. Gusto ko ng makasama ulit si Kakucho, Kuya. Ayoko na. Buhay ko si Kakucho.” Nanghihinang ani mo. Tinakpan mo ang mukha mo gamit ang dalawang kamay mo.

“Huwag naman ganyan, Y/n. Paano naman kami?” Wika ni Ran bago ka yinakap. Umiyak ka sa dibdib niya.

“Bakit kailangang si Kakucho pa Kuya? Kailangan ko pa siya, e. Mahal na mahal ko siya, e. Hirap na hirap na ako.” Bulong mo. Mas humigpit ang yakap mo sa Kuya mo at ganon din siya sayo.

Dalawang linggo na simula noong umuwi ang mga kapatid mo at dalawang linggo na rin noong mabalitaan mo ang nangyari kay Kakucho. He was slashed, dead.

And his last words was your name and marry you.

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now