scenario with tenjiku boys.
“Sorry, hindi pa ako handang magpaligaw.” Maliit ang ngiti mong pangbabusted sa lalaking nasa harapan mo.
Hindi naman siya naging komplikado at mabilis na tinanggap ang desisyon mo. Bumuntong hininga ka naman bago bumalik sa loob ng classroom mo para kunin ang bag mo at umuwi na.
“Pangatlo na ‘yon ngayong buwan ah?” Puna ni Kakucho.
“Ewan nga sa kanila, e. Ilang beses na nilang nakikitang may rinereject ako pero sige pa rin sila.” Naiiling na ani mo. Inayos mo ang mga gamit mo bago mo ipasok sa bag mo.
“Bakit hindi mo kasi subukan?” Tanong naman ni Rindo habang nag-aayos din ng gamit niya.
“Oo nga," Pag-a-agree naman ng kapatid niya si Ran na ngayon ay nakasandal sa likurang pintuan ng classroom niyo. Mukhang kakarating lang niga mula sa sariling classroom.
“Wala akong oras dyan.” Sagot mo sa kanila.
“Anong pinagkakabisihan mo?” Tanong ni Ran at lumapit sa kinaroroon niyo.
“Wala naman.” Kibit balikat na ani mo. Tinignan mo naman sila at natawa. “Anong tingin mga ‘yan?”
“Umamin ka nga, Y/n. Siya ba ang dahilan kung bakit ayaw mong sumubok ulit?” Tanong ni Kakucho.
Hindi naman kailangan maging matalino para malaman kung sinong ‘siya’ ang tinutukoy niya. Tumango ka naman dahil wala namang dahilan para magsinungaling ka pa.
“Siya lang gusto ko, e. At mukhang siya lang din kaya kong pagtuunan ng pansin.” Mahinang sagot mo sa kanila.
Gusto mong matawa ng maramdaman mong nag-init ang sulok ng mga mata mo.
“Pero alam mong patay na si Izana, Y/n. Kahit kailan hindi mo na siya—”
Pinutol ko ang sasabihin ni Rin.
“Alam ko ‘yon. Hindi naman ako tanga, Rin. Alam na alam ko dahil nandon ako nung araw na binawi siya sa akin. Nandito ako nung araw na tumigil na siya kakalaban sa buhay niya. Ako kasama niya nung pinikit niya ‘yung mga mata niya.” Lumabas ang mga hikbing kanina mo pa pinipigilan dahil sa sinabi mo. Agad kang linapitan ni Kakucho at yinakap.
Hinayaan mong yakapin ka niya at basag kang boses na nagsalita.
“Nandon ako nung panahong nawalan na ng sigla ‘yung mata niya. Kaya nga hirap na hirap akong magbukas ng pagmamahal kung kanino kasi hindi ko alam kung mananatili ba sila o kukunin lang din sa akin.”
Tumingin si Kakucho sa magkapatid. Tinignan naman siya ng dalawa na may awa sa mga nata nila. Naawa sila hindi lang sayo, kung hindi kay Kakucho na alam nilang mahal ka pero mahal mo ang best friend niya.

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Kurzgeschichten𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui