“Taiju,” Pagtawag mo sa asawa mo na ngayon ay busy sa panonood ng TV.
Nasa sala kayo ngayon at ginagawa mong unan ang binti niya habang pinaglalaruan naman niya ang buhok mo habang nakatutok sa pinapanood.
“Hm.” Huni nito para sabihing nakikinig siya.
“I’m craving for something.” Ani mo. Mabilis ka niyang tinignan.
“Pero ano medyo weird.” Dagdag mo. Tinaasan ka niya ng kilay. Umalis ka sa pagkakahiga mo at umayos ng upo ganon din ang ginawa niya kaya ngayon ay magkaharap na kayong dalawa.
“What’s the mommy and the baby wants? I'll give you anything.” Taiju asked habang dinadama niya ang tyan mong 3 months palang ang laki.
“Anything?” Ulit mo sa sinabi niya. Tumango naman siya kaya napangiti ka.
“Oo, anything.”
“Gusto ko ng strawberry.” Request mo.
“Coming —” Pinutol mo naman ang sasabihin niya pa.
“Pero nasa loob ang seeds niya.” Dagdag mo.
Kahit walang iniinom ay biglang nasamid si Taiju sa sinabi mo. Kitang kita ang takha sa mukha niya pero patuloy ka lang sa pagngiti.
“Baby, that's not possible.” Aniya. Ngumuso ka naman at nag isip.
“Sige, guyabano na lang pero walang buto.” Request mo ulit.
“Baby, walang ganon.” Nanghihinang ani Taiju. Nangunot na ang noo mo. Bakit wala?!
“Okay, apple na lang pero kulay violet.” Masama ang loob na ani mo sa kanya.
“Baby, walang ganyan.” Ani niya ulit pero ngayon ay parang hinang hina siya sa mga sinasabi mo.
Nagdadabog na tumayo ka. Agad din siyang tumayo at inalalayan ka pero tinabig mo ang kamay niya at nagmartsa papaakyat sa kwarto niyo. Agad kang umakyat sa kama niyo at nagtalukbong.
“Sabi mo bibigay mo kahit na ano tapos ngayon wala?!” Maktol mo sa ilalim ng kumot niyo. Naramdaman mong umakyat siya at yinakap ang bewang kahit na nakatalukbong ka pa.
“Pero hindi nag-e-exist sa mundo ang mga gusto mo.” Pag-aalo ni Taiju sayo pero inirapan mo lang siya kahit hindi ka niya nakikita.
“Bwusit.” Bulong mo.
“Ganito na lang. Gawan na lang kita ng paborito mong mango graham.” Aniya. Sumilip ka mula sa kumot at tinignan ang asawa mo na ngayon ay nakangiti sayo.
“Sige pero hilaw na mangga gamitin mo ‘yung maasim.” Ani mo. Tumango naman siya dahilan para mapangiti ka.
“Alright. Give at thirty minutes, okay?” Tumango ka at hinalikan siya sa labi.
“Okay.” Nakangiti mong sang-ayon.
Umalis siya ng kwarto niyo at pumunta ng kusina para umpisahan ang mango mo habang ikaw ay naiwan. Nanood ka ng movie pampalipas ng oras. Nawala na rin ang cravings mo kaya nanghinayang ka sa pagod ng asawa mo pero ilang minuto rin ay may naisip ka naman gawin para hindi masayang ang effort at pagkain na hinanda ni Taiju.
“Your order is here, Baby.” Masiglang saad ni Taiju. Ngumiti ka sa kanya ng pagkalaki laki dahilan para mamawis ng husto ang asawa mo.
“Kainin mo na baby, panoorin kita.”

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Kısa Hikaye𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui