Ran x Reader! Ghost Trip 6

63 6 0
                                        

Kapwa kayo nakaupo ni Ran sa loob ng sasakyan niya. Tahimik dahil wala ni isa sa inyo ang nagsasalita. Ikaw nakatingin sa mga kamay mo habang siya ay tulala sa harapan.

"Eleven." Panimula nito. Hindi mo siya nilingon at hinayaan lang siyang magsalita.

"Eleven hospital at ni isa wala ka roon." Sabi niya.

Labing isang hospital na ang pinasukan niyo. May mga kapangalan ka pero wala raw ni isa ang kamukha mo sabi mismo ni Ran. Inabot na rin kayo ng tatlong linggo dahil kailangan din niyang magtrabaho at hindi biro ang kinakain ng oras niya sa trabaho kaya natatagalan kayo sa pagpunta sa mga hospital.

"Sumuko ka na at sumama sa liwanag. Masyado mo na akong naaabala."

Agad kang napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Teka lang naman! May tatlo pang hospital baka isa na ro'n 'yung pinaglagakan ng katawan ko. Please, kaunti na lang." Pagmamakaawa mo.

"Ayoko. Wala naman akong mapapala rito." Tanggi nito.

"Meron kaya," Pangungumbinsi mo. "Araw-araw mong makikita kagandahan ko."

"Pangit mo." Asar nito kaya kinurot mo siya pero tumagos ka lang.

"Akala mo ba hindi ko nahuhulung lagi kang tumititig sa akin, ha."

"Hallucination mo lang 'yon. Multo ka na nga assuming ka pa. Ano bang makukuha mo kung mahanap mo 'yang katawan at puso mo." Tanong nito na para bang wala namang ka-kwenta kwenta kahit na mahanap mo katawan at puso mo.

Hindi mo alam kung bakit ganito ka kapursigidong mahanap katawan mo. Parang may humihila sa'yo na hanapin mo. Nabuhayan ka pa lalo dahil sa sinabi ng adik na kasama ni Ran.

"Kasi malay mo may pamilya palang naghihintay sa akin na paggising o kaya baka may kasintahan pala ako. sayang naman khng hindi ako makakabalik." Nakangusong sagot mo.

"Kasintahan.. psh, baka nga hindi na nagtyagang maghintay sa'yo 'yon at naghanap na ng iba. mabuti pa ako may tyaga." Bubulong bulong na anito kaya tinaasan mo siya ng kilay.

"May sinasabi ka?" Nakataas na kilay na tanong mo sa kanya. Inikutan ka niya ng mata bago umiling.

"Wala. Huli na muna 'tong hospital na 'to. Kailangan ko ng bumalik sa trabaho baka makahalata na sina Sanzu at Koko."

"Oks. Tara na!"

Mabilis lang din ang naging byahe niyo. Agad kayong bumababa at pumunta sa front desk. Bago pa makapagtanong si Ran ay huminto ka. Tinignan ka naman ni Ran ng may pagtataka.

May biglang pumintig sa dibdib mo.

"R-Ran, Nandito. Nandito katawan at puso ko nararamdaman ko." Natatarantang ani mo habang nakatingin sa kanya.

Hindi mo alam ang gagawin mo dahil parang may pwersang humihila sa'yo sa kung saan. Nataranta na rin si Ran ng bigla kang maglaho sa paningin niya. Agad siyang nagtanong sa front desk kung may kapangalan ka bang naroon. Nang sabihin ang room number ay agad siyang tumakbo.

Nakatulala ka habang nakatayo sa labas ng pintuan ng isang kwarto. Mula sa salamin za pinto ay kitang kita mo ang isang katawang nakahiga at maraming aparato ang nakakabit dito.

"Y/n!" Dinig mong sigaw na sigurado kang si Ran.

Pumunta siya sa tabi mo at tumingin sa tinitignan mo. Kita mo sa gilid ng mata mo na natigilan siya at nanlalaki ang matang nakatingin sa harapan niyo.

"Ran.." Tawag mo rito.

Tumingin siya sa'yo bago tumingin ulit sa katawan na nasa loob ng kwarto bago ibalik ulit ang tingin sa'yo.

"Ako na ba 'yung nakahiga?" Mahinahong tanong mo sa kanya. Napakagat ka sa pang-ibabang labi mo ng tumango siya.

"That's your face. That's you, Y/n. We found you."

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now