Sanzu x Reader! Woman

105 3 0
                                    


“We should just kick her out of our organization.” Sanzu suggested on Mikey.

Naka-upo lahat ng executives ng Bonten sa meeting room habang ikaw ay nakatayo sa amba ng pintuan. Nakatalikod sayo si Sanzu kaya hindi niya alam na kanina mo pa naririnig ang pangbubuska niya sayo.

Panaka-naka ang tingin sayo ng dalawang Haitani  na may ngisi sa labi habang poker face naman na palipat lipat ang tingin nina Kakucho, Takeomi, Mochi at Koko sayo at kay Sanzu na magpahanggang ngayon ay abala sa pagsasabi ng kung anu-ano laban sayo para mapaalis ka sa organisasyon. Wala namang buhay na nakatingin lang sayo si Mikey.

“Hindi natin kailangan ng mahinang babae, Mikey. Pabigat lang ang mga babae at babae lang siya.” Ani pa ni Sanzu.

Mabilis mong kinuha ang baril na nasa leg strap mo at walang pakundangan na kinasa at walang pagdadalawang isip na binaril si Sanzu sa balikat. Mabilis ka ring naglakad papunta sa kinahuluga niya at tinutok ang baril sa kanya.

“Kindly repeat your words, Addict?” You ask him coldly.

He shot glare at you. Akmang kukuhanin niya ang baril sa vest niya ng putukan mo ulit ang kamay niya.

“Fuck you!” Sigaw ni Sanzu habang dumadaing sa sakit ng tama niya.

Tinutok mo sa sentido niya ang nguso ng baril mo.

“You want me gone in this organization? Pft, ano kaya mas mauuna? Pagkawala ko sa organisasyon o pagkawala mo sa mundo?” Tanong mo habang nakangiti ng matamis kay Sanzu na masama ang tingin sayo.

“Babae ako, Addict. Hindi babae lang.” Dagdag mo.

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now