“We’re here.” Anunsyo ni Izana habang inalalayan kang umupo sa nag iisang bench sa rooftop. Nakaharap kayo ngayon araw na papalubog na.
“You really love sunset’.” Bulong ni Izana. Mahina kang natawa dahil ramdam mo ang pagtataka sa boses niya.
“Nagpapahiwatig kasi na oras na ng pahinga ang paglubog ng araw pwera sa mga night shifts syempre.” Ani mo bago sumandal sa balikat niya.
“Nagpapahiwatig siya na sa araw na 'yon kunin mo na ang pahinga mo na tapos na ang oras ng trabaho mo. Deserve mo kayang magpahinga lalo na kapag stress ang buong araw mo.” Dagdag mo pa habang pinapanood ang unti unting pagbaba ng araw.
“Everyone deserves their own rest.” Komento ni Izana na sinagot mo lang ng 'hm'.
“Izana.”
“Yeah?”
“Mahal kita.” Mahinang wika mo ng hindi pa rin tinatanggal ang paningin sa tanawin na nakahain sa harap mo.
Naramdaman mong gumalaw siya at yinakap ka. Ramdam mo rin ang paghalik niya sa ulo mo bago siya sumubsob sa balikat mo.
“Mahal din kita.” Napangiti ka dahil sa sinabi niya.
“So, I can have my rest now?” Bulong mo.
Mabilis na namasa ang balikat mo. Mas hinigpitan din niya ang yakap sa ‘yo bago tumango.
“Kung pagod ka na, Y/n. Sige na. You can rest now. Matagal ka ng lumalaban. Mahal kita.” Basag ang boses niya.
“Thank you for your love, Izana. Thank you for staying by my side.” Huling saad mo bago mo tuluyang ipikit ang mga mata mo.
“I love you, Y/n. I love you. I love you.” Bulong pa rin ni Izana sa katawan mong yakap yakap niya. Wala siyang pakialam sa mga luhang patuloy na dumadaloy sa mga mata niya.

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Historia Corta𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui