Koko x Reader! Help Me

57 2 0
                                    

‘Nakita ka nilang tumaatakbo papunta sa sinasakyan ko and they assume na kasama kita. Alam mo kung anong klaseng organization ang Bonten kaya hindi malayong ganon ang isipin nila. Sorry kung nadawit ka sa pangalan ko pero nandyan na, hindi na natin mababago ang nangyari.’

Napailing ka ng maalala mo ang sinabi ni Koko sayo, tatlong araw na ang nakakalipas. You confirmed that when you watched the news. Sa sarili mo ay alam mong hindi lang dahil sa Bonten kaya ka lumabas na wanted.

“That bastard.” You angrily whispered.

Isa rin ito sa kagagawan ng asawa mo. Hawak niya ang malaking populasyon ng mga pulis kaya alam mong gagawa siya ng paraan para bumalik ka sa kanya even if it's mean by hook or by crook.

“Stop watching. Kailangan mo ng kumain.”

Mabilis na sumama ang tingin mo sa TV dahil sa boses na iyon. Isa pa sa kinabubwusit mo ngayon ay ang wala kang magawa kundi ang humingi ng tulong sa ex mong si Koko. Nakafreeze lahat ng cards mo. Hindi mo rin pwedeng gamitin ang sarili mong cellphone dahil alam mong may tracking device iyon. Wala ka rin trabaho dahil nga wanted ka sa kasalukuyan.

‘Malas talaga.’ Inis mong bulong sa isip.

“Don’t want to.” Asik mo at kinuha ang remote. Nag-umpisa kang magpipindot para maghanap ng magandang panonoorin.

“Tama na ‘yan. Huwag mong tigasan ang ulo mo dahil ako ang masusunod dito.” Madiing ani Koko pero hindi mo siya pinansin at patuloy lang sa ginagawa mo.

“Hey!” Sigaw mo ng bigla niyang hablutin ang remote na hawak mo. Akmang makikipag agawan ka sa kanya ng matigilan ka dahil sa nagsalita mula sa TV.

[Y/n is not involve in Bonten or in any gang. May dahilan siguro kaya siya nalink pero I assure you, inosente si Y/n. Y/n is my wife kaya alam ko. Isang dahilan lang ang naiisip kong dahilan para madawit siya sa Bonten, she's being hostage para pabagsakin ako.] Paliwanag ng lalaki sa harap ng mga camera. Tumingin siya sa isang camera at malungkot na humarap pero alam mong peke iyon.

Para kang binuhusan ng malamig na tubig sa susunod na sinabi nito.

[Kung saan ka man ngayon, Y/n, pinapangako kong mahahanap kita at sinisiguro ko ring nasa mabuting kalagayan ang mga magulang mo lalo na ang kapatid mo.] Ani pa nito.

“Pinagsasabi ng gagong Shion na ‘to?” Hindi mo pinansin ang komento ni Koko.

Tumayo ka at akmang aalis ng bigla kang pigilan ni Koko.

“Saan ka pupunta?”

“Bitiwan mo ako, Hajime.”

“Hindi ka nga—” Pinutol mo ang sinasabi niya.

“Sabing bitiwan mo ako!” Sigaw mo.

Nagpupumiglas ka para bitiwan ka niya pero mas hinigpitan niya pa ang hawak sayo.

“Ano bang nangyayari?! Hindi porket linilinis na nung lintek na lalaki na ‘yon ang pangalan mo ay pwede ka ng magpadalos dalos!” Sigaw ni Koko.

Napaupo ka habang nanlalabo sng paningin dahil sa luhang namuo. Puno ng kaba ang dibdib mo.

“Hindi mo naiintindihan. Sasaktan nila siya, Koko. Sasaktan nila. Kailangan ko siyang puntahan.” Basag ang boses na ani mo.

“Sinong sasaktan nila? Sinong mananakit?” Litong tanong ng isa.

“Kapatid ko, Koko. Nakikiusap ako. Palabasin mo na ako!” Sigaw mo. Kumapit ka sa pantalon na suot niya habang puno ng luhang nakatingin sa kanya.

Seryoso siyang nakatingin sayo. Tinuro mo ang TV.

“That man you cursing is my husband. And he's going to hurt brother. Please, let me leave. I need to save him.” You beg.

Yumuko si Koko at pinantayan ang mukha mo.

“No one's going to hurt your brother, Y/n. Not on my watch.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now