Ran x Reader! Lips of an Angel last part

67 4 0
                                    

RAN’S POV

“You look like a shit right now.” Hindi ko nilingon si Rindo na siyang nagsalita. Nakatingin lang ako sa portrait na nakasabit sa sala ng bahay namin ni Y/n.

Our wedding portrait.

You look so pretty on your wedding dress. Bagay na bagay sayo ang kulay na puti. You really look an angel. Pati sa ugali, para ka ng anghel na pinababa sa lupa.

“Ilang alak pa iinumin mo para alam ko kung kailan ko sasabihin ang pakay ko sayo.” Iritang ani pa ni Rindou.

Nagkalat ka na ang mga bote sa sahig. Wala na sa ayos ang buhok ko. Gusot-gusot na rin ang damit ko pero wala akong pakialam at patuloy lang na umiinom.

“Ang ganda niya ‘no?” Tanong ko kay Rin.

“Oo, gandang sinayang mo gago.” Inignora ko ang komento niya at nagpatulot sa pagsasalita.

“Naging pabaya ako. Akala ko kapag ginawa ko gusto nila, kapag sinabi ko ang gusto nila titigilan na nila ako, kami. Tangina, Rin, hindi ko siya ginustong saktan.” Basag ang boses na wika ko.

Para akong nababasag kapag nakikita kong nasasaktan ka na. Kanina, nalaman ko kung anong katangahan ang nagawa ko. Kung nasabi ko ba agad ang dahilan ko, papatawarin mo kaya agad ako?

“Mahal ko siya, Rin. Mahal na mahal ko si Y/n. Sa sobrang pagmamahal ko naging mahina ako.” Nanginginig ang hawak ko sa bote ng tinapat ko ito sa labi ko para uminom.

“Mahina?” Natawa ako ng bahagya ng mahimigan ko ang pagkalito sa boses niya.

“Hindi niyo alam kung gaano ako katakot kapag nakikita kong may pulang ilaw ang nakatutok sa kay Y/n kapag lumalabas kami. Hindi niyo alam kung paano ako manginig sa takot kapag nakakatanggap ako ng banta na papatayin nila si Y/n. Hell, even in our own home I can those fucking red lights.” Saad ko habang pumapatak ang luha sa mga mata ko.

“Kuya..”

“Hindi ko alam kung kanino ako hihingi ng tulong dahil hindi ko alam kung sino ang kalaban ko, Rin, kaya nagdesisyon akong magsarili. Ginamit ko pa si Mild para lang maging ligtas si Y/n. Pinalabas kong wala na akong pagmamahal kay Y/n para lang tigilan na nila and it works, it fucking works!” Sigaw ko kasabay ng pagbato ko sa boteng hawak ko.

“Habang liniligtas ko buhay ni Y/n ang kasal naman namin ang unti-unti kong nasisira. Kasal ko ang naging kapalit ng pagkaduwag ko.” Dagdag ko. Sinabunutan ko ang sarili ko habang paulit ulit na minumura ang kagaguhan ko.

“Bakit hindi ka humingi ng tulong sa Bonten?” Tanong ni Rin.

“Dahil sa totoo lang hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba kayo noong panahon na ‘yon.” Ani ko. “Nababaliw na ako kakaisip kung sino ba ang nagbabanta kay Y/n kasi putangina alam niya lahat ng galaw namin.” Dagdag ko.

“Pero tignan mo ang nangyari dahil sa hindi mo pagtitiwala sa amin.” Malamig na sabi ni Rindo.

“I know. Wala akong pinagsisisihan dahil ligtas na siya lalo na nasa poder na siya ulit ni Mikey pero ang sakit Rin.” Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Hinayaan niya akong umiyak sa balikat niya na parang siya ang panganay sa aming dalawa.

“Ginusto ko lang naman na protektahan siya, bakit nauwi sa pagpapalaya sa kanya?”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now