“Ready?” Tanong ni Mikey sa ‘yo mula sa labas ng kwartong kinalalagyan mo.
“Patapos na.” You answered while putting the final touches of your make up. Umatras ka para makita ang kabuuan mo bago naglakad papalabas.
“Hi,” Bati mo kay Mikey na nakasandal sa pader sa harap ng kwarto mo.
Mula sa cellphone na hawak niya, nag angat siya ng tingin at tinitigan ka.
“Ang ganda mo.” Bulalas niya dahilan para mapangiti ka.
“Don’t worry, gwapo ka rin.” Puri mo. Inilahad niya ang balikat niya sa ‘yo. Humawak ka rito at sabay kayong naglakad papunta sa kotseng nakaparada sa labas ng bahay mo.
“Totoo nga, you look stunning tonight.” Papuri niya ulit habang inaalalayan ka papasok.
“Thank you,” Ani mo na lang bago inayos ang seat belt at hinintay na makapasok siya sa kotse.
Ilang minuto lang ang naging byahe niyo bago kayo huminto sa isang sikat na five star hotel. Huminga ka ng malalim ng maramdaman mo ang kamay ni Mikey na humawak sa kaliwang kamay mo. Magaan niya itong pinisil bago ngumiti sa ‘yo.
“Everything will be fine. I'm here.” He said. You smiled back and nods your head.
Nauna siyang lumabas at mabilis na lumakad para pagbuksan ka ng pinto. Sabay ulit kayong naglakad papasok ng hotel at umakyat sa 5th floor kung saan gaganapin ang party na pupuntahan niyo, it's engagement party to be exact.
Nang makapasok kayo sa paggaganapan ng party ay lumapit kayo sa isang table na inuupuan ng ilang kalalakihan. Nasa likuran ka ni Mikey at dahil malaki at matangkad siya sa ‘yo, natatakpan ka niya.
“And the boss is here!” Sigaw ng isang kulay lilac na buhok habang nakataas ang wine glass.
“King, you're late.” Lumapit ang isang lalaki na may kulay rosas na buhok.
“Sorry, may sinundo pa kasi ako. Anyway, congrats on your engagement, Sanzu.” Bati ni Mikey.
“Thanks, King. Pero sino sinundo mo?”
“Oh, right.” Liningon ka ni Mikey bago marahang hinila para mapunta sa harap niya. “Si Y/n. Love, this is Sanzu, Sanzu, this is Y/n, my friend.”
Nakarinig ka ng mahihinang pagsinghap sa lamesa pero nakatitig ka lang sa gulat na si Sanzu.
“Y/n..” Mahinang usal niya. Ngumiti ka.
“Hi, Sanzu or should I say, Hi, ex fiancé.”
“I-I thought you're dead on that f-fire?” Nauutal na ani Sanzu dahilan para matawa ka.
“But I'm not. Surprise, my murderer.”
YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Short Story𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui