Kazutora x Reader ! Never again

80 2 0
                                    

Pinapanood mo ang kapaligiran mo habang nakatayo sa dulo ng rooftop. Hinahayaan mong laruin ng hangin ang buhok mo habang tahimik na nagmamasid-masid.

“Ang lalim ng iniisip mo.” Mula sa likuran mo ay narinig mo ang boses ni Kazutora.

Hindi mo siya pinansin at patuloy ka lang sa panonood. Naramdaman mo namang tumabi siya sa‘yo kaya hinayaan mo na lang.

“Pwede kang magsabi.” Anito.

“Sana nagloko na lang si Keisuke.”

Lumamlam ang mga mata mo sa sinabi mo. Kinagat mo ang pang-ibabang labi mo. Humugot ka rin ng hangin bago nagsalita ulit.

“Mas masakit pala kapag iniwan ka ng walang pasabi. Sana ginago na lang niya ako para at least may dahilan ako para magalit. Para at least may dahilan ako para mabilis siyang kalimutan.” Humina ang boses mo sa dulo ng pangungusap mo.

“Masyado kang mahal ni Baji para saktan, Y/n.” Wika ni Kazutora.

Tumingin ka sa kanya. Nakatingin na rin siya sa‘yo.

“Mahal niya ako pero iniwan niya ako.” Nag-iwas ka ng tingin ng mabilis na namuo ang luha sa mga mata mo. Nanginig din ang boses mo.

“Kailangan mong umusad, Y/n. Hindi pwedeng manatili ka na lang sa isang lugar.” Ani Kazutora.

Naramdaman mong hinawakan ka niya sa kanang kamay mo kaya nilingon mo siya ulit. Magaan siyang nakatingin sa‘yo.

“Hindi madali pero kasama mo kasi sa pag-usad mo.” Sinserong anito. ”Nandito kami, ako para mahalin ka rin kagaya ng pagmamahal ni Baji sa‘yo, kailangan mo lang lumingon, Y/n.”

Hinila mo ang kamay mo at umiling. Ngumiti ka sa kanya.

“Hindi na ako magmamahal ng iba. Sorry, Tora.” Wika mo bago naglakad papaalis ng rooftop.

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now