"Tangina mo, koko." Mura ni Ran pero tinawanan lang siya ng lalaki sa kabilang linya.
[Come on, Ran. Minsan lang ako humingi ng pabor sa 'yo.]
"Ang dami mo ng rest house. Bibili ka pa ulit?" Naiiling si Ran habang papababa ng sasakyan. Kadarating lang niya sa tagaytay para bisitahin ang rest house na binili ni koko.
[I owe you man. Ako na bahala sa meetings mo ngayong araw.]
Bago pa ulit makasagot si Ran ay binabaan na siya ng tawag ng isa. Wala na rin naman siyang nagawa kundi ang icheck ang nasabing rest house.
"Siarulo talaga." Bulong nito sa sarili bago inumpisahang pasukan ang bahay. Malaki at malawak. Kulay puti at ginto ang pintura ng bahay. Maganda rin ang tanawin sa labas. Maaliwalas at hindi rin mainit ang kinalalagyan ng bahay saktong tirhan kapag gusto mong mag unwind.
"Magaling pumili si Koko ng bahay sa babae lang hindi." Komento ni Ran habang papaakyat ng second floor. Nasa huling hakbang na siya sa second floor ng may kumalabog sa first floor.
Bagama't napahinto ay pinagwalang bahala na lang niya ito at nagpatuloy sa pag-ikot sa second floor. Nang macheck na niya lahat ng dapat macheck ay bumaba na siya pero agad ding natigilan ng makita niyang may babaeng nakaupo sa huling palapag ng hagdan.
"Excuse me paano ka nakapasok dito?" Ran used his business voice.
Lumingon sa kanya ang babae. She looked at him head to toe and then looked away. She's murmuring something that he can't understand. Lumapit siya sa babae.
"Ako ba kinakausap nun? Impossible. Bahala siya d'yan." Bulong nito.
"Ikaw kinakausap ko." Ani Ran dahilan para lingunin siya ng babae habang nanlalaki ang mga mata. Tinuro pa nito ang sarili niya na parang naninigurado.
"Ako?!"
"Yes."
"Pero paano?!" Gulat pa rin natanong nito.
Nangunot naman ang noo ni Ran. Halatang nawiwirduhan sa sinasabi ng babae.
"Anong paano? Siraulo ka ba?" Tanong ni Ran.
"Woah! Nakikita at nakakausap mo nga ako." Pumalakpak pa ito na parang manghang mangha.
"You sounds weird. Multo ka ba para hindi ko makita at makausap?" Natatawang tanong ni Ran pero agad ding napahinto ng ngumiti ang babae.
"You're right! Multo ako."

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Cerita Pendek𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui