Mitsuya x Reader ! Insecurities

277 5 0
                                    

“No.” Iling mo kay Takashi habang umiiling.

“C’mon, Y/n. Subukan mo lang isuot para makita ko ng maayos ang design.” Ani Mitsuya sabay lapit ng gown na hawak niya sayo pero mas pinili mong umatras hanggang sa bumangga ang likod mo sa pader.

“Ayoko, Taka. Mukha bang bagay sa akin 'yan? Pangsexy lang 'yan. Kay Emma o kaya kay Yuzuha mo na lang pasukat.” Saad mo at aalis sana sa pagkakasandal ng biglang iharang ni Takashi ang dalawang braso niya sa magkabilaang gilid mo bago ilapit ang mukha niya sa sayo at tinitigan ka sa mukha.

“I don't want them to try this, I want you.”

Napakagat ka sa laman ng pisngi mo dahil bigla kang kinabahan sa lapit ng mukha mo at mukha niya.

“Chubby ako, Takashi, kaya baka masira lang 'yan kapag sinuot ko.” Dahilan mo.

“Sukat mo ang linagay ko. And you are not chubby. Infact, maganda ang katawan mo.” Pangungumbinsi pa rin niya sa ‘yo na inilingan mo naman.

“Ayaw ko.” Bulong mo bago yumuko. Hindi mo na rin kasi makayanan ang intensidad ng titig niya.

Narinig mo siyang bumuntong hininga bago ka hawakan sa baba at iangat ang mukha mo.

“You’re pretty at sakto lang ang katawan. You don't need to be insecure about your body. You're perfect and amazing. And I don't think I am the only who thinks that.” Ani Takashi bago magdilim ang paningin at tumingin sa gilid niya.

“Kapag hindi inalis ni Hakkai ang tingin niya sa ‘yo within one minute, I'm going pluck his eyes out.” Dagdag niya pa dahilan para manlaki ang mata mo at paluin siya sa braso.

“Takasahi!”

“What? I know you're so damn pretty pero dapat ako lang titingin sa ‘yo.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now