Sanzu x Reader ! Escape

88 2 0
                                    

“Fucking open this goddamn door, Y/n!” Sigaw ni Haruchiyo mula sa labas ng apartment mo. He keeps on banging your door causing you to panics more.

Naglagay ka ng mga harang sa pinto mo para hindi siya makapasok pero alam mo sa sarili mo na hindi sapat ang sofa at cabinet para iligtas ang sarili mo.

“Buksan mo na ‘to bago pa ako gumawa ng bagay na hindi mo magugustuhan.” Pagbabanta nito.

Nanginginig ang katawan mong naghahanap ng lulusutan papalabas mg apartment mo. Bago ka lang dito kaya hindi mo pa kabisado ang lugar. Hindi ka rin niya pinapalabas kaya wala kang alam kung ano ang pasikot sikot dito.

It was Haru who gave you this apartment. Kung alam mo lang na ganito ang kahahantungan ng pagtanggap mo ng tulong niya sana sa umpisa palang ay humindi ka na. Kung alam mo lang na hirap ang dadanasin mo sa kamay niya, umiwas ka na lang sana.

Lumayo ka na bago pa sana lumala ang lahat.

“Y/n! Ano ba?! Buksan mo na ‘to!”

Hindi mo pinansin ang sigaw niya at tigalgal na naghahanap ng daan papalabas. Napatingin ka sa bintana sa may kusina mo. Nasa bandang likuran iyon kaya kapag doon ka dumaan, sa likod ng bahay ang bagsak mo.

Tumingin ka sa pinto mo na magpahanggang ngayon ay pilit na binubuksan ni Haruchiyo. Dali dali kang tumakbo at umakyat para lumusot sa bintana. Nanginginig ka sa takot at kaba dahil baka mahuli ka niya.

“Please Lord help me.” Maluha luhang panalangin mo.

Nang makalabas ka ay isang mataas na pader naman ang bumungad sayo. Hindi ka naman nahirapan na akyatin iyon sa tulong ng punong nakatanim malapit dito.

A sob escape your mouth ng maramdaman mo ang sakit na dumapo sa katawan mo dahil sa pagbagsak mo. May kataasan ang pader na tinalunan mo.

Mabalis kang tumakbo papalayo sa apartment mo. Palingon lingon kang tumatakbo at nanlalabo naa rin ang mga mata mo dahil sa mga luhang humaharang dito. Binilisan mo pa ang pagtakas mo hanggang sa may bumunggo ka sa isang pader — tao.

“Help me —” Nabitin sa ere ang balak mo sanang sabihin ng makilala mo kung sino ang nasa harapan mo.

Kulay pula at pilak na mata. Ang pilat na mula sa ulo hanggang sa may tenga at kulay itim na buhok ang bumungad sayo. Kakucho Hitto, bonten’s no. 3, Sanzu’s colleague.

“Tsk, Sanzu doesn't even know how to take care of his own kitten.” Banas na anito.

“No!” Sigaw mo ng akmang hahawakan ka niya. Mabilis kang umatras at balak na tumakbo papalayo pero mabilis ang kamay niya at agad na hinuli ang bewang mo.

Tinakpan niya rin ang bibig mo gamit ang kanan niyang kamay habang bitbit ka naman niya gamit ang kaliwang kamay. Nagsisipa ka para pakawalan ka niya pero walang epekto iyon.

“Sanzu!” Sigaw nito ng makalapit kayo sa apartment mo.

Mas lalo kang nagwala ng lumingon sa kinalalagyan niyo si Haruchiyo. May dinukot ito sa bulsa niya bago naglakad papalapit sa inyo.

“Pinahirapan mo pa ako,” Walang emosyon na anito. “Tatakasan mo pa ako kahit na alam mong hindi mo naman magagawang makalayo sa akin.” Ngumiti ito at pinakita ang isang pamilyar na tableta na hawak niya.

Binitiwan ni Kakucho ang bibig mo pero hindi mo binuksan ang bibig mo para magsalita o humingi ng saklolo.

“Swallow this. Kailangan na natin umalis.” Utos niya.

You shake your head while crying. Those pill were sleeping pills that he often use on you if you're being persistent on going out.

“Wala akong oras.” Pikon na anito bago niya pisilin ang bibig mo dahilan para mabuksan ito at maitulak niya ng gamot sa bibig mo. Hinawakan niya pasara ang bibig mo. Pilit mong hindi nilulunok ang gamot pero unti unti mong nararamdaman na natutunaw ito.

Hindi rin nagtagal ay nanlalambot na ang katawan mo at bumibigat na rin ang talukan ng mata mo.

Kinuha ka ni Sanzu kay Kakucho at binuhat papasok sa kotseng nakaparada. Bago ka tuluyang lamunin ng dilim, narinig mo pa ang huling sinabi niya.

“You can't escape from my web, Doll.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now