Baji x Reader ! Ideal type

63 2 0
                                    

“So, Y/n, anong tipo mo sa lalaki?”

Napaangat ang kaliwang kilay mo dahil sa biglaang tanong ni Hinata sayo. Nagtinginan pa silang tatlo nina Yuzuha at Senju tsaka sabay-sabay na humagikhik.

“Saya niyo, ah?” Puna mo sa kanila. May tinitignan sila sa likod mo kaya napatingin ka rin doon. 

Sa likod niyo ay ang table nina Takemichi, Kazutora, Chifuyu at Keisuke. Napatingin ka ulit sa mga kaibigan mo at ngumisi. Alam mo na kung bakit sila nagtatanong.

“Gusto ko sa lalaki ‘yung medyo walang galang at respeto.” Malakas na sagot mo kay Hinata. Biro lang naman ito. Syempre gusto mo pa rin sa lalaki ay ‘yung may respeto at galang sa kapwa.

Pigil tawa naman sila na nakatingin sayo at naghihintay ng mangyayari.

“Alam niyo ba mga pre kanina may nakita akong matanda sinuntok ko.” Dinig niyong kwento ni Keisuke sa mga kasama niya.

Kanya-kanya naman kayong paraan nina Yuzuha para magpigil ng tawa. Gusto mong humagalpak ng tawa pero ayaw mo naman masira ang kasiyahan.

“Pero gusto ko rin ‘yung magalang at mabait.” Dagdag mo pa.

“Pero nagpaalam naman ako bago ko sinuntok. Sabi ko “Sir, pwede pong pasuntok?””

Tuluyan na kayong napahagalpak ng tawa dahil sa sinabi niya. Tinignan mo ulit ang table nila. Kitang kita mo kung paano nila alaskahin si Keisuke na namunula na sa pinaghalong hiya at inis siguro. Sakto naman na napatingin din siya sayo.

“Cute mo.” Sabi mo sa kanya na lalong nagpamula sa mukha niya.

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now