Ran x Reader ! Ghost Trip 3

73 3 0
                                        

“Pst,” Pang apat na paswit mo kay Ran habang nakadapa ka sa kama niya. Nakaupo siya sa sofa ng kwarto niya habang may laptop sa mga binti niya. Magtatalong araw na at nandito pa rin kayo sa Rest House na binili raw ng kaibigan niya. Hindi siya makauwi dahil sa bagyong biglang sumulpot noong nakaraang araw.

Hindi ka niya pinansin gaya kanina pero napansin mong gumalaw ang kilay niya tanda na malapit mo ng makuha ang atensyon niya.

“Pst.”

Malakas siyang bumuga ng hangin bago humarap sayo. Padabog din niyang ibinaba ang laptop na niya akala mo ay hindi mamahalin dahil sa ginawa niya.

“Puro ka pst. What the fvck do you want?” Iritang tanong niya sabay sandal sa sofa.

“Kailangan ko na ng sagot mo para makapag-umpisa na tayo agad.” Ani mo.

“Sa sinasabi mo bakit parang wala akong pagpipilian?” Nagtatakhang tanong dahilan para tumawa ka.

“Wala ka talaga choice. Sa dinami rami ng pumunta rito ikaw lang nakakita sa akin kaya bakit hindi na lang ikaw ayain— I mean pilitin ko.” Sabi mo habang nagtataas-baba ang kilay mo.

Napakagat siya ng labi na para bang napipikon na siya sa ‘yo. You keep on pursuing him on those three days na namamalagi siya sa kasama mo pero napakatigas niya. He keeps on declining you and ignoring you. Kapag nagsasalita ka, lalampasan ka lang niya na parang isa ka lang multo, well multo ka nga pala talaga.

“Fine. Ano ba ang gusto mong mangyari?” Suko niya. Napabalikwas ka ng bangon at masiglang tumingin sa kanya.

“Talaga?! Payag ka na?!” Malaki ang ngiti mong tanong sa kanya. Natulala siya ng ilang minuto sa ‘yo bago ka inirapan.

“I don't think I have a choice lalo na at napakakulit mo.” Ani Ran. He crossed his arms before asking you again. “Ano bang gusto mong gawin ko?”

“I need you to find something for me.” Seryosong sagot mo.

“Anong hahanapin ko?”

“I need you to find my heart.”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now