Ilang araw akong nagmumukmok sa kwarto. Ni ayaw kong kumain o lumabas man lang. Wala akong ibang ginagawa kundi ang umiyak at magdamdam. Ilang araw na pero hindi pa rin nauubos ang mga luha ko.
“I’m such a cry baby.” Bulong ko habang patuloy na pinupunasan ang walang katapusan kong luha.
Ilang araw rin akong nagtago kay Rindou. Hindi dahil sa ayoko siyang makita kung hindi dahil takot ako, takot na takot. Takot ako sa mga maririnig ko pero walang magagawa ang takot ko. Kailangan ko pa rin siyang harapin kahit na anong mangyari.
“Y/n..” Napatingin ako sa nagsalita. Isang nakasandal sa pader na Takashi ang nakita ko. Lumapit siya sa akin at mahigpit na yumakap.
“Taka..” Naramdaman ko na naman ang pag init ng sulok ng mga mata ko. Siya ang walang sawang sumusuyo sa akin noong mga nakaraan.
“Nandito lang ako.” Mas humigpit ang yakap niya bago ako pakawalan.
Ngumiti ako bago sumakay sa sasakyan. Papunta ako ngayon sa condo ni Rindou. Para pakinggan lahat ng sasabihin para na rin tapusin lahat ng kung anong meron sa amin lalo na sa nakita ko. May pamilya na siya.
“Si Rindou po?” Tanong ko kay Ate Ysa pagkarating ko. Katulong ito nina Rindou na naglalagi sa condo niya.
“Nasa sala po—” Hindi ko na siya pinatapos at agad ng naglakad papasok. Nadatnan ko siyang nakaupo sa couch habang umiinom ng brandy. Tulala siya sa kawalan. Magulo rin ang paligid niya.
“Rindou.” Gulat itong lumingon sa pwesto ko. Tumayo ito at lumapit sa akin.
“Y/n, y-you're here.” Yayakap sana ito ng umiwas ako.
“Hindi ako nandito para makipag ayos nandito ako para tapusin na lahat.” Kinuha ko sa bag ko ang isang box at binigay sa kanya. That's the ring he gave when he proposed.
“Y/n, magpapaliwanag ako. Look, I love you—”
“No, you don't.
“What?” Tanong niya na parang hindi pa siya makapaniwala.
“You don't love me, Rindou.” Ulit ko.
“A—”
“Stop lying please. Ayos na. Matagal ko ng alam na hindi tayo pareho ng nararamdaman. Hanahaki. I got hanahaki disease, Rindou, kaya alam kong hindi tayo pareho ng nararamdaman.” Ani ko habang nagpipigil ng luha.
Bago pa ako magbreak down ng tuluyan, agad na akong tumalikod at lumabas. Nakayuko akong naglalakad dahil umubo na naman ako. Kakaiba ang nararamdaman ko dahil biglang sumakit ang ulo ko.
“Y/n?” Nag angat ako ng paningin para tignan kung sino ang tumawag sa akin pero bago ko pa mamukhaan ay mabilis na nandilim ang paningin ko.

YOU ARE READING
𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒
Cerita Pendek𝗧𝗼𝗸𝘆𝗼 𝗥𝗲𝘃𝗲𝗻𝗴𝗲𝗿𝘀 𝗳𝗶𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻: ↳ compilation of scenarios with TR Characters. - Characters are not mine © to Ken Wakui