Rindou x Reader ! Loving lies 5

167 6 0
                                    

"Really, Rindou?! A f*cking hanahaki disease?!" Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Ran na tumama sa mukha ng kapatid niya.

Siya ang sumalo kanina kay y/n ng bigla itong mawalan ng ulirat. Nandito sila sa hospital ngayon. Si Takashi rin ang umaasikaso sa loob ng kwartong pinaglalagyan ni Y/n.

"Don't tell me kayo pa rin nung putanginang secretary niya?" Mariing tanong ni Ran. Hindi kumibo si Rindou kaya mas lalong nag init ang ulo ng isa.

"Putangina, Rindou! May fiancé ka na! Akala ko ba mahal mo si Y/n?! Ha?! Bakit nagkagano'n siya?!" Isa pa ulit na suntok ang pinakawalan ni Ran na tinanggap lang ni Rindou. Walang umawat kahit na may nakakakita na sa kanila.

"I'm sorry." Bulong ni Rindou habang nakapaibabaw sa kaniya ang nakakatandang kapatid.

"She's my best friend! Alam mo kung gaano siya ka-importante sa akin tapos gagaguhin mo lang?! Akala ko ba tapos na kayo nung babaeng 'yon?!" Hinawakan ni Ran sa kwelyo niya si Rindou. Nagkatitigan ang magkapatid at ngayon palang niya nakita na ganito kagalit ang kapatid niya lalo na at sa kanya pa.

"Ha?! Akala ko ba nung pinormahan mo si y/n tapos na kayo?! Bakit ngayon nadevelop niya 'yung sakit na 'yon?!" Sigaw na dagdag ni Ran while shaking his brother.

"Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung paano. Maniwala ka kuya. Mahal ko siya." Humihikbing wika ni Rindou. But it's not enough to convince and make ran calm.

"Kung mahal mo siya bakit nasa hukay na ang isang paa niya?"

Napatingin sila sa nagsalita. It was Takashi with his doctor suit. Kita ang pagsama ng tingin nito ng makita niya si Rindou. Pula rin ang mata nito na halatang nagpipigil ng luha.

"What do you mean?" Tanong ni Ran. Tumayo siya at lumapit kay Takashi.

Parang nabingi sila sa susunod na sinabi ni Takashi.

"She's dying."

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now