Ran x Reader ! Ghost Trip 2

106 3 0
                                    

“Tumigil ka sa kalokohan mo. Restricted area na 'to simula ngayon kaya umalis ka na rito.” Pagtataboy ni Ran sa ‘yo.

“Ayoko nga. Nauna ako rito tapos ako papaalisin mo?” Bwelta mo habang nakataas ang isang kilay. Nagsusukatan din kayo ng tingin na para bang kung sinong unang mag iwas ng tingin sa inyo ay talo.

Sa huli ay si Ran din naman ang naunang mag-alis ng tingin. Napahawak siya sa noo niya na para bang problemadong problemado.

“Look, hindi ako nakikipagbiruan. Binili na 'to ng kaibigan ko kaya kailangan mo ng umalis.” Ani Ran bago lumakad papunta sa pintuan. Binuksan niya ito at sinenyasan kang lumabas pero isa matigas na iling ang ginawa mo.

Malakas na napabuntong hininga si Ran bago napakamot sa ulo.

“May kailangan pa akong gawin dito kaya hindi pa ako pwedeng umalis.” Ani mo sa kanya.

Mukhang napipikon na si Ran dahil bigla itong lumapit para hilahin ka palabas pero gaya ng inaasahan mo, tumagos lang ang kamay niya sa ‘yo.

“Hindi ka nakikinig kanina? Multo na nga ako. Himala lang talaga nanakikita mo ako.” Walang ganang wika mo kay Ran na ngayon ay gulat na gulat. Para siyang natuklaw ng ahas dahil sa itsura niya.

“Wow. Gulat yarn?” Pagbibiro mo.

“What the actual fuck?!” Sigaw ni Ran bago napalakad paatras habang nanlalaki ang matang nakatingin sa ‘yo. Napahalakhak ka naman dahil sa reaksyon niya.

“Multo nga kasi ako ang kulit mo—” Napahinto ka naman sa pagsasalita ng may naisip ka.

Sa lahat ng pumunta at dumadalaw sa bahay na ‘to tanging si Ran lang ang nakakita sa ‘yo. Napasinghap at napalapit sa tulalang si Ran.

“Alam ko na! Tulungan mo na lang ako!” Excited na sigaw mo sa mukha niya.

“What?”

“Tulungan mo na lang ako. Alam mo kasi may kailangan akong mahanap, e. Isang bagay na napakaimportante.”

“Ayoko.” Madiing sagot ni Ran.

“Susundan kita kahit saan ka magpunta hanggang sa mapapayag kita. Akala mo.” Nakangising ani mo. Proud na proud ka sa naisip mo.

“No way!”

“Yes way!”

𝐓𝐎𝐊𝐘𝐎 𝐑𝐄𝐕𝐄𝐍𝐆𝐄𝐑𝐒 𝐒𝐂𝐄𝐍𝐀𝐑𝐈𝐎𝐒Where stories live. Discover now