CHAPTER 2

204 6 0
                                        

ANG mamaya ay ngayon na.

Biglang may tumilapon na katawan papunta sa tabi ko, ang lamesa at upuan ay nagkalat at malakas ang tunog. May nagsigawan din.

"Enough, Mio!"

Pero hindi nagpapaawat, hinila pa ang lalaking tumilapon, handa rin lumaban. Kaya nagsuntukan sila at mas lalong nagkagulo.

Hinigop ko ang laway na baka tumulo sa hindi ko pagsipsip sa lollipop, matamis na ang buong bibig.

Marami ang umaawat at napaghiwalay ang dalawa, marami rin ang tumbang lamesa at upuan. Tinitigan ko ang mga nagsuntukan, may konting dugo.

"What is this?!" Isang matandang babae, kasunod din ay isang lalaki, mga teacher yata. Hindi makapaniwala ang mga mukha habang tinitingnan ang naging gulo.

May isang sumagot. "No need to be stated, it was obviously explained, Madam," nakangiting sabi ng isang magandang babae.

Isa ito sa mga nabunggo kanina.

Ang teacher ay bahagyang namula ang mukha at kakaibang pigil ang ginawa. "I am not asking the obvious statement, I am referring why this is happening?" Pinakatitigan ay ang dalawang nag-away pati ang mga umawat.

Walang nagsalita sa mga iyon dahil masama ang mga tinginan sa isa't isa. Ang babae ay muling sumingit, "If I were you, huwag po kayo makisali kung ayaw niyong madagdagan na naman ang wrinkles niyo," nakangiti pa rin, may paggalang sa boses.

Ang isa pang lalaking teacher ang nagsalita, "All of you, go to the president's office right now!" Mas mapula ang mukha kaysa sa unang teacher.

"Why should I?" Sabi nung Mio. "Hindi niyo alam ang nangyari at kahit naman nasa president's office tayo ay wala rin nangyayari, what purpose?" Binitawan na ito ng mga umaawat.

"You should gom, Mio," isang lalaki ang nagsalita.

Kagaya ko ay nakaupo ito sa malapit lamang, nakataas ang mga paa sa lamesa at nagtataglay ng magandang mukha. Isa sa mga tinilian ko kanina.

"Bakit, Crom?"

"To follow the rules," balewalang sabi.

"Stinking rules." Masama muna ang tingin sa kaaway bago naglakad paalis. "Be sure may mangyayaring maganda," sinabihan ang lalaking teacher.

Ang ilan sa umawat ay bumalik sa kani-kanilang upuan, hindi pinagkaabalahan ayusin ang gulo sa cafeteria. Ang tanging sumunod sa teachers ay ang dalawang nag-away. Pagkatingin ko sa pwesto nung Crom ay umupo na rin ang ilang kasama. Ngayon mas malapit ako ay hindi ko maalis ang paningin sa kanila habang hindi ako napapansin, nabawi lang nang dumating ang kaibigan.

"Naka-order din sa wakas!" Pinatong sa lamesa ang maraming pagkain. "Kain na tayo."

"Walang sauce," sabi ko.

"Ai wait." Umalis at muling bumalik. Sinamantala yata kanina ang kaguluhan kaya mabilis nakabili ng pagkain. "I'm starving kanina pa." Mabibilis ang subo.

"Who are they?"

"Didn't you remember the one you slapped kanina in the auditorium?"

"That dirty bitch?!"

"Yeah, no doubt."

"And eating here? She has some guts."

"Or papansin?"

"Teach her a lesson girl, Millicent students should know what we are."

"Yeah, they should."

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon