CHAPTER 44

173 9 0
                                    

"Hardly folks don't run from change; they exult in its challenges." - Unknown

*****

Ang sumunod na araw.

Mula sa mission ng nakaraang December sa Cruise Ship ng Isla Sapira ay hindi pa ulit nasundan. Ngayon ay bagong taon, ang buwan ng January.

Hindi masaktuhan ng ibang ahensya kung kailan ang labas ng black diamonds. Puro hinala at iyon ang mas lalong nagbibigay galit sa kanila dahil ang mga hinanda nilang patibong ay walang silbi.

"May nakahuli na ba sa kanila? Ibig kong sabihin ay tinatago lang at walang nakakaalam?"

"Siguro."

"O baka nanahimik lang sila?"

"O kaya hindi pala natin alam ay nahuli na sila at tinatago lang sa atin."

"Parehas lang ng ideya kong sinabi."

"Ni hindi nga sila mahawakan mahuli pa kaya? Hindi ba pwedeng namamahinga lang?"

"Pero alam nyo ba, sa katahimikan na ito, milyones pa rin ang nagagastos ng gobyerno!"

"Puro ba naman palpak at walang nagpapakita sa mga hinanda nila."

Marami pang usapan, pati sa pagtitipon ng mga gobyerno o ang lihim na gawain sa mga kriminal. Walang matukoy kung bakit nga ba.

"Kahit hindi pala kayo magpakita... sikat pa rin... Ouch!"

Sinipa ko kasi sa binti si Seroni. Nagpatuloy ako sa pagkain ng fruit salad na pabaon sa akin ng minamahal. "Boring," sambit ko.

Tumawa ito. "Oi Loft," tawag sa isa, "palibre nga dyan ng lunch!"

Nakatanggap ng masamang tingin.

"Damot!" Nangulit na naman. "Oi MBD, bakit tahimik kayo ngayon ha?" Na kami lang makakarinig.

"Sinabi ba sa iyo ni Baru kung bakit?"

"Hindi, baka patayin ako kapag nagtanong ako sa kanya, sa iyo ko lang nagagawa."

"Kung hindi niya sinabi, sa tingin mo ba sasabihin ko rin?" Pinili ang cherry at sinubo.

"Pati ikaw madamot sa impormasyon!"

Ito ang routine ng dalawa. Sa pagkakaupo ay palagi akong pinapagitnaan, parang mga bantay. Wala naman akong gagawin. May masubukan nga...

"Sasabihin ko pero may kapalit..."

Naging excited ang mukha. "Sige ano 'yon?"

Parang hindi nag-iisip? "Sabihin mo muna kung bakit kayo palaging dikit sa akin? Wala naman akong gagawing masama ha?"

Nakakunot noo. "Ang sabi ni Baru palagi kami sumama sa'yo... wala naman sinabi."

Toinks. Baka kaya pinapadikit sa akin para mabantayan ko ang mga kilos ng mga ito. Baka ipagkaila kami?

"O sabihin mo na kung bakit."

"Saglit lang." Kinuha ang phone at tinawagan si Baru Dex. "Bakit dikit ang dalawang ito sa akin?" Iyon agad ang unang salita ko.

"Isn't it obvious?"

Ang linaw ng sagot. "Hindi para sa akin."

"They have abilities like you and can be a good protector also."

"Naiisip ko na ba ang naiisip mo?"

"Very clear."

Training. "Hindi ito linya ko."

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon