CHAPTER 33

139 9 1
                                    

"Whatever is worth doing at all, is worth doing well." - Lord Chesterfield

*****

Matagal bago ang kasunod.

Mula sa mga commandant at mismo sa commander, ang mga mas nakakataas sa ranggo bilang bisita pati ang mga lihim na sumusubaybay ay hindi makapaniwala sa nakita ng kanilang mga mata. Ito ang unang beses makasaksi ng ganoong klaseng pagsugod at galing pa sa isang trainee - trainee na may takip sa mukha at may numerong lima, ang pinaghihinalaang si Alen Luther.

Marami ang konklusyon sa isip nila, pero ang higit sa lahat at pinakanais ay malaman kung tama ba ang tinutukoy kung sino ito.

Ang pinagdidiskusyunan ngayon ay ayon sa tinalagang patakaran, nais na iyon baliin ng ilan at hindi hintayin tapusin. Dahil ang usapan ay ang huling natitira ay saka tatanggalin ang suot na maskara. Marami ang hindi sang-ayon kahit nahihiwagaan sila sa isang taong iyon. Kung aalisin ngayon ang mga takip sa mukha, maraming magbabago at hindi masusunod ang napagkasunduan.

Samantala, si Walden Arabis ay nananahimik sa gitna nila, sari-saring ideya at nagbabagang pagnanais ang biglang sumulpot sa kanyang isip. Sa kabilang parte, nais niyang mapahamak ang taong iyon kung ito nga ang pamangkin, kung hindi ay may pagnanais sa kanyang makuha ang taong iyon bilang kanyang tauhan. Dahil ngayon lamang siya nakakita ng ganoon katindi at nakakatakot kung gumalaw. Nakakatakot dahil sa bilis at simpleng mga galaw pinatumba ang karamihan. Hindi akalain isang kagaya nito ang makakagalaw ng ganoon at isang trainee?

Mula noon ay kahit anong pagsasanay ay ginawa na niya para maging magaling. Ngayon ay nakikita ang kakayahang nais makuha. Nagkaroon ng hindi mapigilang excitement sa kabilang parte ng kanyang isip at katawan.

Mabilis nga kumilos ang trainee pero kung mas nakakataas kaya sa kanya ang katapat ay siguradong malaki ang diperensya.

"Seeing that child, those remaining are not in match. Let's try this," singit niya sa lahat at sinabi ang nasa isip.

"What about their masks, sir?" Tanong ng isa.

"We will follow the rules until the end."

Walang ng humirit nang sabihin niya iyon. Pagkatapos ay binigay ang naging desisyon.

"What? Bakit ganun?!"

"Ibang level siya kung ganyan?"

"Pwede rin."

"Unfair ba yon?"

"Makikita natin kung kaya niya!"

Sa pagitan naman ng mga natira, may isa sa kanila ang nakakuyom ng mahigpit ang mga kamay, malakas ang nararamdaman pagtibok ng puso at hindi pa rin nagiging mahinahon ang paghinga kahit pilit kontrolin. Nararamdaman niya ito dahil sa mga nasaksihan, ang hindi pa rin makapaniwala. Mas higit pa ang nakikita, mas nakakatakot. Kahit pilit intindihin ay mahirap pakalmahin ang loob.

Sana hindi na lang hinawakan ang kamay na ito.

Sana hindi na lang nalaman.

Sana patuloy ang isip balewalain ang napapansin noon.

Ngayon, mas higit pa.

Ano ang nangyari noon? Paano dumating sa puntong naging ganito?

Naputol ang pag-iisip nang marinig ang pahayag mula sa mga namumuno. Ang pangarap na makatapat at pinangakong maglalaban ay hindi matutupad.

Iba ang magiging katunggali ng babaeng minamahal.

MULA sa pahayag ng nakakataas.

Sila ang makakatapat ko?

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon