NAG-UMPISA magsidatingan ang mga kabilang ng okasyon. Dumaan sa mahabang proseso bago makapasok sa loob. Napapalibutan ang lugar ng mga pinakamagagaling na tauhan ng opisyal, may uniporme man o wala. Kahit sa mga bisita ay may mga ranggo sa lipunan at hindi basta basta.
Sa pagitan ng usapan ng magkaibigan.
"Ranzo, mukhang kanina ka pa tahimik?"
Habang nakamasid sila sa mga nagsisidatingan na bisita.
"Ikaw rin."
Tumawa ng may ibig sabihin. "Tingnan mo, tama ang ang hinala natin, marami pa rin ang pumunta dito."
"Sa mga may pera, hindi lang ang magnanakaw ang binabantayan nila, pati ang makita kung ano ang nanakawin nila sa uupong makapangyarihan."
"At ang kagaya ng anak mo ay hindi katanggap tanggap sa kanila?"
"Karamihan sa mga tao ay makapangyarihan ang nais mamuno sa kanila, ang malungkot doon ay nandito lahat sa paligid natin ang klase ng mga taong iyon."
"Sana naiintindihan 'yan ng anak mo. Sa tingin mo, wala bang pinaplano si Jade?"
Hindi sumagot dahil hindi sigurado sa salitang ilalabas sa bibig. Ikaila man ay may malakas na pakiramdam ang pilit nagsusumiksik. Hindi iyon masabi sa kaibigan dahil sa maraming alinlangan kahit malakas ang natutukoy.
"Malakas ang pakiramdam ko sa batang iyon, masyadong simple ang ginagawa hanggang sa puntong wala ng makakapansin. Pero ang nangyayari sa paligid niya ay hindi ordinaryo."
Nalilitong napatingin si Ranzo sa kaibigan, may nahihiwatigan din ba ito? "Anong ibig mong sabihin?"
"Naalala mo ang ginawa ng anak ko noon? Binuksan niya sa lahat kung sino ang reyna, kung sino ang nakaupo sa trono. Nag-umpisa doon ang kaalaman kung anong klaseng reyna ang tinago ng ilang henerasyon, iyon ay ang may kulay berdeng mga mata. At kanino niya nalaman? Pinaghinalaan natin si Jade at totoo nga lahat na sa kanya galing. Pero nakakalimutan at nakakaligtaan yata natin kung paano niya nalaman. Iyon ay kung paano nalaman ng isang teenager, na anak siya ng isang reyna at tunay mo siyang anak. Lahat ng ebidensya ay tinago natin, tayong dalawa lang ang nakakaalam. Maliban kung... maliban kung nalaman niya ang code na tanging ikaw lang ang nakakaalam bilang may pinaka mataas sa katungkulan ng NIA."
Mas lalong hindi napakali ito, kaysa alalahanin ang ibang aspeto ay dito natutuon ang pinaka atensyon - sa anak. Paano nangyari iyon?
Isa lang palagi ang lumalabas na sagot sa lahat ng katanungan, kompirmasyon ang kulang.
Naputol ang usapan sa pagdating ng sampung pinakamalalakas na tauhan. Iyon ay ang special troop pero ang pinakamagaling sa mga ito ay wala. Nagpasya akuin ang trabahong pamahalaan ang agency habang wala doon ang karamihan, iyon ay para sa proteksyon sa maraming nakaambang panganib.
Nagbigay galang ang sampu nang makalapit sa pwesto. Kapansin pansin ang lahat ng paningin ay nasa kanila, mga humahanga at ang ilan ay may mga matang pagka-inggit. Ang presenya ng mga ito ay sapat ng maghatid ng kompirmasyon na walang mangyayaring makakasagabal sa pagtitipon.
Kung umaayon sa pagkakataon, makikita ngayon kung sino ang pinaka mahusay sa pagitan ng mga itim o ang mga ito.
Lumapit ang asawa. "Ranzo, Eleas... sa trabaho magkasama na kayo pati ba naman dito?"
Tumawa ang isa. "Don't get us wrong Crisia, mas palagay kami ng asawa mo magkwentuhan habang maaga pa, later makikita mo kami nasa magkabilang dulo na."
"Pansin ko nga, anyway may gusto ako malaman sa inyong dalawa." Seryoso ang kaanyuan kahit nakangiti. "Narinig ko mismo sa patriarchal ng Hetti, alam nila nagkaroon ng anak ang ating huling reyna, si Queen Kisse Euta. Totoo ba ang narinig ko?"
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...