CHAPTER 35

131 9 0
                                    

"Confidence is directness and courage in meeting the facts of life." - John Dewey

*****

Kailangan ko siya makita.

Pero parang nilalabag ko na naman ang sariling salita. Pero kailangan ko malaman kung bakit ganoon ang anyo niya. Pero din, baka sabihin niya lang na - kung ako nga ay hindi sinasabi kung bakit ako ganito... siya pa kaya?

Ano ba dapat gawin?

SA MEN'S dormitory.

Hindi pinansin ang mga naririnig, wala akong pakialam doon.

"Nakilala kita kanina."

Tumabi ang isang kapatid, dito sa pagkakatayo sa veranda habang tanaw ang papadilim ng covered court.

"Sa ating tatlo, alam kong ikaw ang may tinatagong ganyan--"

"Hindi 'yan ang dahilan para isawalang bahala mo ang makatapat ako."

"Chill... sa ganito ako? Kapag wala akong makukuha ay bakit ko pa pag-aaksyahan ng panahon?"

Mas lalo nadagdagan ang iritasyon, galit sa sarili at malaking panghihinayang na sinasaloob.

"Isa lang ang gusto ko malaman..."

Minsan lang ito magtanong dahil ang taong ito ay ang impormasyon sa paligid ang mabilis makuha.

"Ikaw ba ang tinutukoy ni Jade na kasama nitong bakasyon?"

Kung hindi matalas ang pakiramdam ay mahuhuli ng taong ito. "Si Jade ang tanungin mo. Kung ako man, bakit ko sasabihin? Walang kwenta," sa iritado kong boses. Totoo ang galit dahil ang pagiging tago ng relasyon na iyon ay isa pa sa nakakapabigat sa lahat.

"Mukhang totoo ang ginagawa mong pagsasanay. Hindi expected ng lahat na ang kagaya mo ay may ilalabas pa na galing." Nakangising nagbigay ng tapik sa balikat bago tumalikod at umalis.

Ilang sandali bago naisipan umalis.

"Mahal ko."

Mabilis napalingon, inaaninag sa madilim na parte ang anyo ng tumawag. Nilapitan ko pa iyon pero wala.

May biglang humila sa braso sa likod, napaharap at napasiksik sa isang sulok. Ang humila ay nakayakap na sa akin at inaamoy ako.

"Hindi ka pa naligo."

Bakit kasi hindi ginawa kanina! "Maliligo na sana ako."

"Maligo ka muna... hihintayin kita dito."

Bigla kong inamoy ang sarili, hindi nga maganda ang amoy.

Lumayo ako sa kanya, bumalik sa loob at hindi pinansin ang pagtawag ng ilan para makipagkwentuhan sa kanila. Mas mahalaga ay may naghihintay na babaeng napaka importante sa buhay ko.

Bago pa man makapaglagay ng pabango ay may tumawag sa pangalan.

"Pinapatawag ka ng commander."

Wrong timing!

"Ngayon mismo."

Sumunod sa utos. Pumunta sa opisina hindi kalayuan sa men's quarter. Sa nagmamadaling hakbang, pinapasok ako ng nagbabantay at ang naabutan ay konting liwanag mula sa maliit na lampshade ang nagbibigay linaw sa taong nakaupo sa gitna ng pahabang sopa. May hawak na kopita habang sa harapan ay malaking lalagyan ng alak.

"Have a seat."

Pinili ko ang sa harapan mismo ng walang takot tumingin. "Why sir?"

"Have a drink first."

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon