MADILIM ang loob.
Ginawang isanay ang mga mata mula sa pagkakatayo malapit sa bintana. Hanggang nasilayan ang anyo ng lalaking nakaupo sa mahabang sofa, sa harap ko mismo ilang hakbang ang layo. Mabagal humakbang papalapit habang nakatitig sa mga matang parehas ang ibinabalik. Pagkalapit ay tumabi ako sa kanya ng hindi nagdidikit.
"Hinawakan mo ako kanina," sa pormal na boses nito, walang saya o ano man emosyon sa pagkakasabi.
"Humawak ka rin sa akin," tugon ko.
Matagal walang palitan ng salita habang nakatitig sa isa't isa sa kabila ng dilim. Pero sanay na ang mga mata kaya mas malinaw nakikita ang seryosong mukha nito at hindi nagpapakita ng kahit konting affection.
Ito ang unang nagsalita. "Ano ang sabi sa iyo ni papa?"
Inilayo ko sa kanya ang tingin. "Gusto niya ako lumayo, pumunta sa malayong malayo," tapat kong sabi.
"Pumayag ka ba?"
"Hindi ako sumagot."
"Ano ang balak mo?"
Sa tanong nito ay pumasok sa isip ang kakaiba, pero ang sagot, "Hindi ko pa alam."
"Ano man ang desisyon mo... huwag mo ako iiwan."
Lumingon ako sa kanya. Wala man pakiusap sa tono pero dahil ang pagkagusto sa isa't isa ang dahilan. "May pabango ka pa ba?" Tanong ko.
"Konti na lang."
Inilabas ko ang mula sa sling bag sa likod ang dala para dito. "Tipirin mo ito."
Nakuha ang ibig sabihin. "Aalis ka?"
Inilayo ko sa kanya muli ang paningin, hindi kaya maging tapat sa isang bagay na hindi sigurado. "Huwag mo akong susukuan," ang tanging sinabi. Saka tumayo at humakbang paalis.
"Lynn."
Tumigil at lumingon sa pagtawag niya sa isa ko pang pangalan.
"Mag-iingat ka," sa mahinang boses.
Alam ko at parehas ng nadarama ngayon. "Ikaw ang una kong babalikan."
Ilang sandali nakatitig lamang, nang ako ang unang bumawi. Sa mabigat na pakiramdam ay nilisan ang lugar.

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Aksi"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...