CHAPTER 31

181 9 0
                                    

"When you can use, the lightning is better than cannon." - Napoleon

*****

"Mukhang may nag-eenjoy."

"Sino?" Tanong ni Gin kay Kio.

"Si Jade."

"Palagi naman," walang ganang saad ni Mio.

"Who's Jade?" Singit ni Dickey.

"None of your business."

Simula ng puzzle about sa reyna ay maraming nagbago ang paningin sa kasamahan nilang si Dickey. Ingat ang tatlo dahil nararamdaman nilang nasa panig ito ng Commander.

"Malalaman ko rin 'yan... you all know me." Full of confidence.

"As you wish," pagbabalewala dito ni Gin.

"Yah, I know you, you are always in second kay Mio," saad naman ni Kio.

"And you are? What place?" Pang-iinis na balik ni Dickey.

"Then? Ano gusto mo iparating?"

"Baka ikaw gusto mo makarating sa infirmary?"

"Mauuna ka muna, o kaya ididiretso kita sa ospital."

Susugod sana nang matigilan dahil may dumaan sa tabi nila, naagaw ang pansin ng mga nagkakainitan doon.

"Kio!" Nakangiting tumawag pa, lumapit at dumikit. Kahit nakasuot ng uniporme ay mapapansin ang kagandahan. "Hindi ka namamansin."

Napakunot noo at nagtatakang napatitig sa babae. "Palagi mo sinasabi 'yan pero--"

"Hi, I'm Jade," pagpapakilala sa nakatitig ditong si Dickey. Hindi malaman kung magsasalita o tatanggapin muna ang kamay na nakaumang, pinili ang huli.

"Bakit ka ba nandito? May training kayo doon ha?" Balik dito ni Kio, inagaw ang pansin agad mula sa lalaki.

"Hindi mo ba nakikita? Tapos na kaya kami." Kay Gin naman tumabi at dumikit. Tapos sa kabila si Mio. "Libre naman dyan ng snack," sabi sa dalawa.

Hinila ni Kio, hinawakan sa kamay at, "Ako ang manlilibre sa iyo."

MULA sa kaibigan.

"Nakakatuwa kayong tingnan, Jade."

"Hah?"

"Ni K, masyadong hindi obvious, pasimple ka para mahawakan lang kamay niya," kinilig na parang ewan, "I know that feeling!"

"Quick to observe ka rin," natutuwa kong sabi.

"Iniwan mo ba naman ako. Nakita na lang kita papunta na sa kanila. Sa lagpas dalawang taon natin dito ngayon mo lang sila nilapitan. Bakit?"

"Miss ko na kasi siya," sinabi ko ang totoo. Ang usapan ay kagaya pa rin ng dati pero ang sariling salita ay hindi natupad.

"Hehehe! Cute!"

"Anong cute doon?"

"Kayong dalawa. Excited akong makita kung ano ang magiging reaction ng lahat kapag nalaman nilang mahal niyo ang isa't isa."

"Baka mainis sila?"

"Why naman?"

Mahaba ang ngusong sinabi, "Unexpected is still unexpected."

DUMATING ang panahon na iyon.

Nagkaroon ng kaguluhan at ingay sa bawat trainees dahil sa anunsiyong ibinigay. Normal para sa ilan at kabaliktaran sa mga nais makilahok, iyon ay ang nagbabagang pagnanais maipakita ang kanilang galing at mabigyan ng parangal, o ang makuha ang parangal sa gaganapin na kompetisyon. Isa ang kategorya, ito ay ang tinatawag na - physical combat.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon