INIWASAN ang mga cctv.
Mas maganda ng maingat kahit obvious na kinalikot ang mga iyon at walang silbi. Kung maingat ako ay mas maingat ang mga tao sa Sanctuary.
Ginawang bumalik sa dormitory at nagpalit ng kasuotan, binalik ang kaninang suot at nilunok ang isang candy, muling naramdaman ang kakaibang init sa katawan. Nakuha ko ito kay Rei Chu, sangkap ay isang dahon na kayang pataasin ang temperatura kaya mag aakalang may lagnat kahit malakas ang katawan at walang pinagbago. Mapait nga lang, ew.
Pagkatapos ay tumingin sa salamin, medyo namumula ang pisngi lalo ang ilong. Pwede na.
Itinulog ko ang lahat, naalimpungatan nang nagsidatingan ang mga ka-dorm, maiingay at puro kwento tungkol sa nangyari.
"Akala ko ang number five ay talagang siya yun."
"Lahat naman tayo ang akala ay siya nga di ba?"
"Sino kaya yon?"
"Jade!" Nagtatakbong papasok si Alen. Lahat tuloy ng atensyon ay sa kanya nang pumasok sa silid namin.
"Bakit?"
"Magaling ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot?"
Gusto ko ng humagalpak sa tawa, buti na kontrol. Ito kasi ang acting namin kanina kaya ang alam ng lahat ay may sakit ako.
"Hindi mo nakita ang kanina, grabe!" Sabi ng isang doormate.
"Akala namin ikaw iyon, Alen."
"Ano ba nangyari?" Tanong ko.
"Mamaya ikukwento ko sa iyo. Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Maayos sana pero ang iingay niyo kaya nagising tuloy ako," pagpaparinig ko sa iba.
"Kung nakita mo lang ang kanina mabubuhay ang dugo mo."
"Na video niyo ba?" Tanong ko pa.
"Bawal ang video doon. Sayang nga. Sana nakuhanan namin lalo na si Commander--"
"Shh!"
Pero nagtawanan ng mahina, tinatago at baka makita sila ng iba.
Nang magkaroon kami ng pagkakataon ng kaibigan magkasarilinan sa rooftop ng dorm habang nakaupo at nagtatago sa likod ng malaking tangke, ay nagbago ang anyo nito. Hindi maalis ang tingin sa akin.
"Ikaw ba talaga 'yon, Jade?"
Tumango ako.
"Kailan ka pa naging ganoon kagaling?" Puno ng pag-aalala ang mukha, medyo may takot at kinakabahan.
"Nag umpisa ng patago, di ba nahuli mo ako noon."
"Patuloy ka nag-ensayo ng patago?"
"Oo."
Mahabang katahimikan, malalim yata ang iniisip hanggang sa nagsalita, "Kanina, pagkalabas mo... doon lang nakabawi ang Commander, hindi ka na nahabol. Ang alam niya ako iyon pero nang inalis ko sa harap niya ang maskara ay nakita ko ang takot sa kanya. Natakot siya sa iyo Jade, halos manginig. Ang pagsampal mo kanina, simple lang iyon pero parang nagawa mo pagaanin ang bigat ng galit ko sa kanya." May tumulong luha at mabilis dumaan sa pisngi pababa.
Walang dalang panyo sa bulsa para ibigay sa kaibigan. "Parehas gumaan ang pakiramdam natin, Alen," sabi ko.
Gamit ang likod ng kamay nito ay pinunasan ang luha. "Bakit, Jade?"
"Kasi siya ang pumatay kay Kisse Euta."
Tulalang napatitig. "Siya? Kaya ba... kaya ka... kaya mo rin ginagawa ito?"

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...