CHAPTER 55

10 1 0
                                    

UMALIS sa pinagtataguan.

Sa seventh floor tumigil at pumasok. Kagaya sa ikalima ay madilim at walang naramdamang tao. Patakbong naghanap sa tahimik na hakbangin kung saan pwede magkaroon ng time break para sa maraming dahilan.

Nagtago ako sa dilim, sa pagitan ng mga pader at divider. Nakasarado ang mga pintuan. Hindi rin gugustuhin magtago sa isang silid at maliit ang espasyo kung sakali magipit.

Gamit ang cellphone ay tinawagan ang linya ng Sanctuary, walang sagot. Lumalalim na ang gabi at siguradong tulog ang kung sino man ang naroon.

"Dial the white call if they are after you. Show me what I have waited for years."

Narinig muli ang sinabi ni Sapphire ng bago kami maghiwalay. Walang dalawang isip ginawa iyon. Kinuha ang cellphone at pinindot ang code para sa white call. Connecting ang ayon sa screen. Tinigil bigla dahil nagbibigay iyon ng liwanag sa paligid at hindi makapaniwalang naramdaman may papalapit sa pwesto, malayo pa iyon pero naririnig ng malinaw.

How come? Kahit noon ay walang nakakaramdam sa amin kapag ginagawa ang kakayahang hindi mapansin!

Animal instinct Lynn, just like us.

Is it? So, ganoon pala?

Umalis ako sa pinagtataguan at habang tumatakbo ng walang ingay ay muling pinindot ang code para sa white call. Kirot at sobrang hapdi ng tagiliran, hindi nararamdaman ang mga palad marahil sa pamamanhid. Mainit at alam pawisan na ang katawan. Mula sa likuran ay naramdaman ang mga humahabol.

Nakaabot sa eight floor nang makitang may komonekta sa tawag at narinig sa suot na earpiece.

"I'm in, Lynn."

Si Emerald! Buti gising pa ito. "Oh thank you."

"Five following you, but they scattered just now, circling the area, go straight."

Ginawa ko ang sinabi niya.

"What happened to you?"

"Bullet on my side, daplis lang," patuloy ko dinidiin ang napkin.

"Lynn is in Makati Eagle Tower at eight, sino ang malapit?"

"I'm near. Wait for me, Lynn."

It gives comfort ang boses ni Froiland.

"Lynn, go somewhere, dark areas, turn left."

"I can't. It seems they know where I am," sinabi ko ang munting hinala. Pumasok sa isip ang isang ideya, bakit hindi ko gawin ngayon? Hindi ako papayag na ganito na lamang, panget naman nabaril ako at tatakas?

"Faster, Froi."

Gaano kaya kabilis? May panahon pa kaya ako?

Itinigil ko ang pagtakbo, tumayo ng diretso at pinikit ang mga mata.

"Malapit na sila Lynn, don't do it, keep running."

"I just want to stop... than running like this," sa mahinahong boses. Mas lalong gumaan ang pakiramdam dahil walang tense sa loob kundi determinasyon.

"Ignoring them is our focus, Lynn."

Napangiti ako sa boses galing kay Sophia, kasunod si Cleofford at ang iba pa.

"I'm coming."

"Run, Lynn."

"Wait for Froi and Ford."

"Your wound might get worse."

"Show me, Lynn."

Si Sapphire. Ang simpleng ngiti ay napalitan ng ngisi. Sabi ko na nga ba, ito rin ang nais ng pinuno.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon