CHAPTER 16

164 9 0
                                        

"The real ornament of woman is her character, her purity. Metal and stones can never be real ornaments. Real ornaments lies not in loading the body with metal and stones, but in purifying of the heart and developing the beauty of the soul." - Mahatma Gandhi

*****

Sa cutting hair session.

Magpapagupit? Masubukan nga?

"Ugly."

Pati ba naman dito ay parang sirang plaka ang boses ni freak? Papanget ba ako kapag nagpagupit? Ilang percent ba ang ganda nakukuha sa may mahabang buhok?

"Bilisan niyo... sunod!" Utos ng isang babae sa loob ng silid na iyon. May lumabas ng babaeng nauna sa amin kanina at semi kalbo ang labas.

"Hindi ko yata kaya, Jade." Kinakabahan ang aura ni Alen.

"Bakit?" Nakakatuwa nga eh, haha.

"Gustong gusto ni Crom ang buhok ko, malulungkot iyon kapag nawala na ito." Hinawakan ang brownish na buhok, mahaba at makapal.

"Babalik pa naman 'yan," pasimple kong sabi. Kahit sinabi iyon ay hindi nagbigay lubag loob sa kaibigan.

"Next!"

Sa akin nakatingin. Napatitig ulit ako sa babaeng lumabas pa lang galing sa loob, panget ang pagkagupit.

"Next!" Tawag pa ulit.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan.

"Ikaw na sunod, Jade."

Hindi ako sumunod kahit galing pa iyon sa kaibigan, may alinlangan talaga sa boses nito.

"Oi ikaw na, pumasok ka na sa loob," iritadong utos. Nakakataas na ito sa ranggo at matagal na sa training at talagang pinapakita ang awtoridad.

"Ayoko."

Sa sinabi ay natahimik ang bawat sulok ng mga pader.

Saglit lamang iyon at lumapit, pati rin ang iba. "Mandatory ito, greeny."

Saglit tinitigan ang nasa likod ko, si Alen, nakikilala nila ang kaibigan.

As expected. "Ano ngayon? May kalayaan ang tao tumanggi," nakangiti kong sabi.

"Anong sinabi mo?" Iritado agad ang isa sa narinig, malaki ang katawan nito at kita ang malalaking braso pati ang matitigas na kalamnan.

"Kailangan ko ba ulitin?"

"Matapang ka ha?" Tumingin saglit kay Alen. "Dahil sa kaibigan mo ito ganyan ka magsalita? Hindi mo ba nabasa ang patakaran dito? Huwag ka magmagaling."

"Kung ayaw mong mahirapan, sumunod ka," sabi pa ng isa.

Napapaikutan na kami, kaya ginawa ko na ang palabas.

Bigla ako nagwala. Pinagsisipa at ginulo ang mga nakaayos na gamit sa paligid, pinagtatapon ang naabot ng kamay. Pagkatapos ng pagkabigla yata nila na kahit ang kaibigan ay nakabuka ang bibig ay pinigilan na ako. Nais hawakan ang katawan ko o ano pa man ang maabot nila pero lahat ng iyon ay naiwasan. Hanggang sa makapasok sa loob ng pagupitan at pinanggugulo ang mga gamit kaya napatigil din ang ginagawa doon. Nang makontento ay ako na mismo ang tumigil.

Again, no sweat. Hahaha.

Copied from one teledrama, and pasted in this situation. Done. Expect the kick-out thing. Kung ganoon nga, gawa ulit ng paraan para magstay dito.

Ang labas, dinala ako sa isang opisina. Akala yata ay isa akong psychopath na nakawala sa puting rehas at naligaw dito.

Pigil ang ngisi sa mga napapansin.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon