CHAPTER 39

16 1 0
                                    

NAGSIMULA ng maglakad ang pinuno papunta sa grupong iyon.

Kung tahimik ang una at mahina ang presensya, ang pinuno naman ay overwhelming sa presensya. Kaya ang anyo ng sampu ay lahat nakatingin sa paparating, mga nagbago ang timpla ng mukha at hindi maitago ang pag-igting ng mga bagang. Kung hindi sanay sa gawain na ito ni Sapphire ay mabubuwag ang relax mode. Kahit sa sariling grupo ay marami pa rin ang hindi komportable at isa na ako doon.

Lahat sila ay nakatutok sa ikalawa, kaya pasimpleng lumapit ako sa isang malaking bato at piniling umupo. Ang parte ko dito ay manood kung ano ang mangyayari at makikita.

Kung peace talk ang pinaka layunin dito ay imposible iyon dahil ang dalawa ay--

Basta.

Lumapit sa kanila ang pinuno. Ang mga lalaki ay naging handa sa pagkakatayo. Hindi mahahalata pero halata sa mga mata ko. Ang hindi nakakapagtaka ay ang patuloy na paglapit ng walang alinlangan ni Sapphire sa mga ito hanggang sa tumigil mismo sa gitna ng sampu.

Gitna talaga ha?

"We keep the conversation to be here, thank you for keeping it also," tapat na pagkakasabi ng pinuno habang ang bawat salita ay malinaw at simple. Mas lalong naging unease ang stance ng pagkakatayo ng mga lalaki.

Halatang maraming tanong sa mga ito kung bakit iyon sinabi ng babaeng walang takot tumayo sa gitna nila.

May isang nagsalita, "Sa tingin ko ang panig niyo ang hindi. Bakit dalawa lang kayo?" Normal ang tono.

"There are three of us."

Pagkasabi ay lumingon ito sa pwesto ko at itinuro ako.

Hala! Imbis manahimik dito ay hindi.

"Hindi ito ang bilang na inaasahan namin," sabi pa.

"How many should be?" Normal ang tono ng pinuno.

"Lahat kayo."

"It is not possible. Because others have a lot of work, some are in another country, some are cooking, some have a work appointment, others are resting and some are on vacation. We are the ones who are free to come here."

Toinks talaga ito. Kailangan sabihin?

Kahit ganyan ang narinig ay hindi nagbabago ang stance ng bawat isang naroon, ang anyo ang may pagkakaiba. Sinusuri kung nagsasabi ba ng katotohanan ang isa o kung ano pa man. Makikita sa mga ito ang hindi matitibag na galing sa mga hindi inaasahang mangyayari.

Habang nag eenjoy ang pinuno, halatang kontrolado ang sitwasyon ayon sa pananalita at pagkakatayo.

"Mukhang marami pala ang mga katulad niyo," sabi ng katapat mismo nito habang naka cross arm.

"Yes."

"Anong meron sa black diamond at ninanakaw niyo?"

Nag umpisa na.

"Is this the reason for the invitation?" Nagcross arm din ang pinuno.

"A--"

"Fire," tawag ni Frances dito.

"Yes?" Nilingon ng isa.

"You forgot." Sabay tapon ng isang kulay brown na bagay.

Nagkaroon ng mas tense sa hangin. Akala ng mga ito kung ano na, pero nang masilayan iyon ng malinaw ay...

Nasalo iyon ni Sapphire at agad isinubo sa bibig. Iyon pala ay chocolate.

Lumipas agad ang kakaibang hangin na iyon.

Pero para sa sariling isip, kapag nakakalimutan ng pinuno ang kumain ng matamis ay ibig sabihin, seryoso ang sitwasyon.

"You can only ask one question, and no one else."

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon