"Everything hangs on one's thinking." - Seneca
*****
PAGKATAPOS ng usapan na iyon.
Hindi naaalis ang kunot ng noo kay Ranzo Marle. Napansin iyon ng kaibigan.
"Pagkatapos mo malaman nalason ang anak mo daig mo pa ang namatayan, ngayon naman ay nabuhayan."
Tahimik pa rin sa pag-iisip at hindi mapalagay na anyo, kung saan saan tumitingin at nababanaag ang kakaibang interes sa mukha. Hanggang inilabas, "Gusto mo ba malaman kung bakit?"
"Ano ba iyan? Spit it out." Halatang gusto malaman.
Huminga muna ng malalim saka napangiti, mas lalong naging interesado ang isa. "Pagkatapos ko sabihin sa kanila ang tungkol sa kasal, ang tatlo kong anak... sunod sunod pinagtapat kung sino ang gusto nilang babae."
"Sino, kilala ko ba kung kaninong pamilya?"
Ngumiti pa ng malapad, parang ngayon lamang ginawa. "Sa akin."
Pati ang isa ay nakakunot noo na rin. "Sa iyo?"
"Ang tatlong iyon... isang pangalan lang ang sinabi."
"Your three sons? May gusto kay Jade?"
"Interesting, is it? Sa tatlong iyon, ang isa ay nagpapanggap, ang isa ay katuwaan at ang isa ay totoo."
Tumawa ng malakas. "Mga loko lokong mga bata. Nagawa nilang sabihin iyon sa harap mo? Bakit kasi binanggit mo ang kasal? Hindi ka ganoon."
"Mahilig din ako maglaro kagaya mo, sa anak mo at sa boyfriend niya."
Napahalakhak pa lalo si Eleas. Naalala ang pinaggagawa noon dahil ayaw na ang kaisa-isang anak ay matali ng maaga sa isang lalaki pero mas lalo lang nagkalapit ang dalawang pinaglalayo kaya tinanggap din sa bandang huli. "Engage na nga ang dalawa, masyado pang mga bata tapos iyon ang naisip. Think of it? Nineteen at twenty years old?" Napapailing na lamang. "Pero sa tatlong anak mo, sino ang nagugustuhan mo para sa totoo mong anak?"
"Wala sa kanila," sinabi agad.
"Wala sa kanila?"
"Bilang ama, doon ako sa gusto ng anak ko." Biglang napangiti ulit, halatang may naisip. "I will see kung mayroon sa tatlo o wala. Kung totoo ba ang nararamdaman ng isa."
"Nasa malayo ka na Ranzo."
MULA sa malayo.
Ang tatlong anak ng ama ay pumasok sa sasakyan ng pamilya, lumabas hindi katagalan habang hindi maipinta ang mga mukha. Nakatanaw ako sa kanila. Hindi nagtagal ay sumulpot si Eleas Luther at pumasok din sa sasakyang iyon.
Kahit tinted ay alam nandyan sa loob si Ranzo Marle. Magpakita kaya ako? Pero iwas ko nga makasalubong ang ama ni Alen para hindi ma-question, ito pa kaya? Sabagay, siya naman ang pakay ko kaya ginagawa ito, pero hindi yata tumalab. Parang binabalewala o kaya tinitiis niya ako. Ano pa ang kailangan kong gawin?
May naramdaman papalapit mula sa likuran.
"May mission tayo." Mahinahon ang mukhang sumalubong.
Nakatingin din sa sinusubaybayan ko ang isang Sophia Ken. Ito yata muna ang sagot sa tanong ko. Mabilis naman at boring.
"Ikaw ang protector ko."
Palagi naman. protector ng mga Martial. Maliban lang kay kulot, hindi kami pinagsasama sa mission.
Naglakad palayo, sumunod ako sa kanya. Hindi inaalalang pinagbabawal ang umalis sa lugar na ito ng walang paalam, makakalusot naman ako pagbalik.
LUMIPAS ang panahon.
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K. Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...
