PAGKARATING sa mansion.
Nakaupo ang apat sa harap ng isang aristokratong lalaki, halata ang binibigay na awtoridad sa loob ng silid. Nasa ayos ang paligid, pero ang apat ay binabalewala.
"Kung hindi ko pa kayo pinasundo wala kayong balak umuwi ng maaga," pormal at kakaiba ang timbre ng boses, makapangyarihan ang dating.
"Pa, balak namin umuwi ng maaga, tinatapos lang namin ang awarding ceremony. Nabanggit ko na ito sa inyo kahapon." Inalis ni Kio ang salamin sa mata.
"It's still early, kahit later twilight we goes here it is all the same," medyo hindi pormal ang boses ni Mio.
May pumasok mula sa pintuan, isang magandang babae. Hindi mahahalata ang tunay na edad dahil sa magarang postura. "Nesh, your mother is here."
"Thanks, Tita," parang nasusuyang sabi, tumayo at naglakad papalabas.
"Hon, balak ko sana sunduin sila naunahan mo lang ako."
"Don't bother your time with their irresponsible attitude." Hindi naman galit pero makikita ang nakakatakot na pagkatao.
"Mga anak natin sila, ayos lang naman sa akin." Binigyan ng tig-isang halik sa pisngi ang tatlo.
"Ma, sabi ko nga uuwi naman kami, buti nga school ang pinagkakaabalahan namin at hindi drugs."
"Time is gold for your father, son, alam niyo 'yan." Inayos ang buhok ni Kio.
"As always."
"What is it, Pa? Ano po ang mayroon ngayon bakit umuwi kami ng maaga?"
Pinunasan muna ang salamin bago nagsalita, "The gathering of elites, it will be the time to make it known to them... my family."
Natahimik ang tatlo. Nagsalita ang babae, "So, you three, make yourself suited and well-groomed. It will be a night of surprise to them."
"What about, Jade?" Balewalang tanong ni Gin, dahil tatlo lamang ang nabanggit.
"Jade is not included here," pormal ang boses ng ama ng lahat.
"Why?" Tanong agad ni Kio sa malakas na boses. "She is also an adopted to this family, right?"
"I have my reasons, it is not for all of you to understand it or even hear it," sagot pa nito na parang hindi mababali ang desisyon.
Magsasalita pa sana si Kio nang hindi itinuloy, sinarili na lamang.
"I'm okay with the life we have, bakit pa?" Tanong ni Mio sa mahinang tono habang nakatingin sa sapatos.
"Hindi ba dapat lang ipakilala ang pamilyang mayroon ako?"
"What I mean is... living a simple life is okay."
"Hijo, napag-usapan na namin ito ng papa niyo. Kapag mas lalo naging secretive ang ama niyo mas lalong maraming banta sa buhay niya. Kagaya ng napag-usapan natin noon, mas maayos at safe ang pinili namin na propesyon para sa inyong tatlo, kasama rin ang pinsan niyong si Nesh."
"Ang maging kagaya ni papa? Oh no, hindi pa rin nagbabago isip niyo dyan? Walang thrill ang gusto niyo para sa amin," madiing sabi pa rin ni Mio.
Natigil ang usapan nang tumayo at binigyan ng mapanuring tingin mula sa ama ng pamilya. "Walang thrill ang maging isang agent ng bansang ito? Walang thrill ang maging bahagi kayo sa training para matuto kayo protektahan ang sarili niyo? At ano ang gusto niyong gawin? Maging mahina?" Tumigil saglit. "Isa sa makapangyarihang antas ng pamumuhay ang mapabilang sa elites at walang magtatangka sa buhay niyo kapag nalaman nilang kabilang kayo... isang agent at isang mayamang tao, iyon ang nararapat maging kayo."
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...