SABI na nga ba.
Walang duda, tunay ang pagkakaibigan kagaya namin ni Alen, mahirap magtago ng sekreto. Buti na lang malinis naitatago kung sino ang other side me.
"Jade!"
Kung wala lang sugat sa binti ay baka tumalon papunta sa akin. Kaya ako ang lumapit at niyakap ito ng mahigpit.
"Jade, nandito di ba ang ama amahan mo. Nakita mo ba sila sa labas?"
"Oo, seryoso mag-usap kaya hindi ko inabala." Nilabas ko mula sa loob ng bag ang maraming pagkain. "Kain tayo, ako muna ang food tester mo, baka may lason 'to."
Napapangiti, binuksan ang isang balot ng bread cakes at kinain, malalaki ang bawat subo. "Saan ka pala galing?"
"Natulog sa rooftop nitong hospital tapos binili ko ang mga ito sa mini grocery dyan sa kanto." Ginaya ang maganang pagsubo ng kaibigan.
Hindi na nagulat sa sunod nitong tanong. "Siya ba ang nasa harap nito?"
"Likod yata, Alen?"
Napangiti pero bumalik sa seryosong anyo. "Ano ang gusto niya mangyari, Jade? Please sabihin mo sa akin!"
Sasabihin ko ba? Gusto ko sana matulog muna dahil hindi totoong natulog ako sa rooftop, kundi may ka phone pal ako doon at medyo natagalan.
"Hmm, ayoko."
"Bakit, Jade? Bakit ayaw mo?"
"Kasi hindi ko gusto mag-alala ka sa ngayon, magpagaling ka muna at sabay natin haharapin ang taong iyon."
"Haharapin?"
"Bakit gusto mo ba talikuran?"
Pinalo tuloy ako ng unan, muntik pa tumilapon ang ilang pagkain, buti nasalo ang mga iyon.
"Ano mean mo doon, Jade?"
"Tatayo tayo sa harap niya."
Napatingin sa akin ng walang kurap, hindi mawari kung may takot o tapang.
"Ayaw mo ba?"
"Nasa tabi pa rin ba kita? Hindi mo ako iiwan?"
Mabigat ang naging impact sa loob. "Pasensya ka na Alen... dapat hindi kita hinayaan tumakbo mag-isa, dapat talaga sumabay tayo sa grupo at hindi nagpahuli. Dapat sabay tayo." Puno ng regrets.
"Tinupad mo naman ang sabi mo na nasa likod kita." Habang nakangiti.
Mas lalong nakonsensya, pinapangako hindi na ito mauulit at mas magiging magaling pa. "Sa susunod hindi lang sa likod, ako rin ang magiging harap mo at sa gili--"
"Ew Jade," parang nahihiya.
"Ayaw mo?"
"Baka sabihin ng iba may relasyon tayo. Ayos lang ba kung si Crom ang nasa magkabilang gilid ko? Ayaw kasi nun mawalan siya ng lugar sa aki--"
"Alen!" Halos masira ang pinto nang bumukas at rinig yata sa buong building ang boses. "Alen Luther!" Lumapit at parang babasaging crystal ang nilalapitan.
Umalis ako sa kinauupuan at inabala ang sarili sa pagtingin mula sa bintana habang pinagmamasdan ang nasa labas. Tinakpan ko rin ang tenga para hindi marinig ang ka-kornihan sa ere.
Mas korni yata ang gawain ko.
Tumunog ang cellphone, titled - Kulang ako kung wala ka.
Ano ba ang mga kakornihan mayroon din sa taong tumawag ngayon?
"Panget!"
"Nice, ang ganda ng salubong mo sa akin," iritadong ibalik ko. Naalala narito pa ako sa loob ng silid. Napatingin ako sa dalawa, mukhang nakuha ko ang atensyon. "Sorry." Nag-peace sign ako sa mga ito bago lumabas ng silid.
![](https://img.wattpad.com/cover/22847878-288-k919210.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Akcja"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...