CHAPTER 13

11 2 0
                                    

HINDI napigilan pa. 

Nilapitan ko ang iniwan niya, isang malaking bote ng pabango. Dali ko iyon hinawakan at binuksan, inamoy at napapikit.

"Gusto kita at gusto ko simula ngayon ako ang gagawa ng pabango para sa iyo."

Matagal bago itinigil ang paglanghap sa mabangong amoy. Itinago ko bilang pinakamahalagang bagay kasama ng iba pang bote na naibigay noon. Ang huli ay konti na lang ang natitira, tinipid iyon ayon sa payo noon.

Ngayon, dahil sa pabango ay ibig sabihin, gusto pa rin niya ako.

Napapangiting tinitigan muna ang mga bote bago sinarado sa taguan. Nagpasya lumabas sa silid para kumuha ng makakain. Noong nakaraang araw pa ang kaarawan, late ang gift. Di bale, dumating pa rin.

Napatigil sa paghakbang nang mapansin ang isang kasambahay na nakatayo malapit sa bahagyang nakabukas na pinto. Ang anyo ng mukha nito ay kinakabahan at may takot. Hindi ko pinaramdam na naririto ako, pinagmasdan ang lahat at masusing inoobserbahan.

Ang pintuan na malapit sa kasambahay ay ang opisina ng ama dito sa mansion. May liwanag mula sa loob at kita sa bahagyang nakabukas na pinto, ibig sabihin ay nasa loob ang ama at gising pa.

Sa ganitong oras ng gabi? May problema ba?

Maliban sa katayuan nito sa buhay at problema mismo sa trabaho bilang commander ay hindi nagpapabaya ang ama sa pagtulog. Importante dito ang sapat na tulog, iyon ang turo sa amin mula pa noong mga bata kami.

Naputol ang pagmamasid pati ang kasambahay nang gumalaw ang pinto. Itinago ko ang katawan sa isang pader sa tahimik na galaw, sinilip kung nakatago na rin ang isa. Nakahinga ng maluwag nang makitang wala na ito doon.

May isang lalaki ang unang lumabas, malaki ang katawan, may sumunod pang isa kaparehas ng una, lumilingon sa magkabilang panig ng pasilyo. Sunod lumabas ay isang lalaking matangkad at kagaya ng ama. Naramdaman na ang isang ito ay hindi basta basta, masyadong pormal ang mukha. Nakasunod dito ang ama, si Ranzo Marle.

Nag-usap sila pero hindi naririnig ang eksaktong mga salita. Sa anyo ay nagpapaalam ang mga ito.

Tinitigan ko ang aking ama, kakaiba ang anyo nito ng hindi mawari. Sa nakalipas na panahon ay mapapansin nagiging ganyan lang siya kapag si Lynn ay nasa paligid.

Si Lynn?

Hanggang sa umalis ang mga bisita at bumalik ang ama sa opisina nito, nanatiling nakatayo ang sarili sa pwestong ito. Naghintay pa bago ihakbang ang mga paa papunta kung saan na ang kasambahay, ingat na hindi gumawa ng ingay. Hindi pa nakakarating sa tulugan ng mga ito nang mapansin bukas ang isang pintuan, papuntang likod na ito ng mansion. Lumabas ako doon pero wala naman nakita ang sino man na gising.

Pabalik na sana nang mapansin ang paggalaw ng malaking halaman sa tabi ng pathwalk, walang takot nilapitan iyon at ang inaasahan ang makikita.

"Ate Lua."

Lumingon mula sa pagkakaupo. "Anong ginagawa mo dito? Gabi na ha? May gusto ka ba kainin?" Tumayo at humarap sa kinatatayuan.

Sa kabila ng pinapakita sa aking mukha ay hindi maiwasan mapansin ang kinakabahan at iwas nitong mga mata. "Sumunod po kayo sa akin," utos ko. Nilagpasan ko siya at naglakad pa sa likod ng mansion, sa madilim na parte.

"Ano ka bang bata ka? Saan ka ba pupunta?! Sir!"

Halata ang kaba sa boses nito. "Hinaan mo po ang boses at baka may magising."

Biglang itinikom ang mga labi. Malinaw ko pa rin nakikita kahit sa dilim ng paligid, malayo ang liwanag sa bandang ito.

"Ano po ang narinig niyo sa usapan nila?" Tanong ko bilang pinaka pakay.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon