CHAPTER 7

138 11 0
                                    

"Society is a masked ball, where every one hides his real character and reveals it by hiding." - Emerson

*****

SA ELITES party.

"Saan na ang freak na 'yon?" Bulong ko sa sarili habang papasok sa gate. Ang buong lugar ay nahaharangan ng matataas na pader at maraming gwardiya.

Ito kasi ang nagdrive ng sasakyan, ang lakas ng loob agawin sa akin kaya habang sa daan ay puro palitan ng insulto sa isa't isa. Pinangako sa sariling hindi ko siya papansinin pa kahit kailan, pero pinababa ako ng sasakyan dahil daw may naramdaman siyang kakaiba sa likod, paglabas - iniwan ako.

Nakakairita! Pinalakad ng wala sa oras. Makikita ng taong iyon!

"Oi panget, kanina pa ako dito, akin na invitation."

Ito pala ang nasa likod, ang nakasunod sakay ng sasakyan.

Binigyan ko siya ng matalim na titig at hindi kinausap. Tuloy akong lumapit sa guard, pinakita ang invitation at walang lingon pumasok.

"I'm with her."

Rinig ko mula sa likod. Tingnan kung papasukin.

May tumusok sa likod. "Aray!" Naiiritang nilingon ko. "Ow? Pinapasok ka?"

"Hindi ba obvious?" Nakangiti ng sweet. Tapos tumalim ang titig. "Wala pang taong binalewala ako... ulitin mo pa ulit, lagot--"

"My pleasure." Binigyan ko ng sweet smile. "Plano ko talaga balewalain ka."

Nagpatuloy ako sa paglakad, pero ang freak nasa tabi ko palagi. Pumasok sa napakalaking mansion, masasabing castle. Maliwanag sa labas kahit nakasarado ang malaking pinto, may nakabantay din. Lumapit sa parteng iyon, mabilis at magalang pinagbuksan ng mga bantay.

"I wonder, ang isang panget na katulad mo ay kasama sa party."

Bulag ang kulot na ito.

Tuluyan nakapasok sa loob. Inaasahan ko na ito, marami o halos lahat ng pares ng mga mata ay tumingin sa akin. Nasa mga mata nila ang paghanga at hindi maalis ang titig.

"Amazing, ngayon napatunayan ko na, ang elites ay bulag at mga panget din katulad mo," bulong nito.

Naghanap kung saan sina Alen at ang papa nito. "Except me, curly freak."

"Do not assume... the greatest ugliest of all assumers."

"Jade!" Tawag mula sa gilid na bahagi, si Alen. "Natagalan ka?"

"Hindi naman, bakit?"

"Hindi mo naabutan," sa mahinang boses, "pinakilala kanina ang buong pamilya ng umampon sa'yo," malungkot din ang boses.

"Bakit ganyan ang mukha mo?"

"Eh kasi... kung ampon ka nila dapat lang kasama ka pa rin sa pinakilala."

"Hindi naman mahalaga iyon." Pero ang puso ay bumagsak sa mga naririnig. Kahit alam na ay iba pa rin ang impact pagkatapos. "Kain na lang tayo." Pasimple kong hinanap sa paningin ang pamilyang iyon, nakita agad pero isa lang ang hindi nakatingin sa akin.

Walang reaksyon ang pinakita ko sa mga taong iyon.

Naalala ang kulot, paglingon ay wala na sa tabi.

Saan kaya napadpad?!

Naalala ang usapan kanina sa kwarto ko.

Bahala sila.

Nagpaakay ako kay Alen pumunta sa mahabang lamesa na puno ng iba't ibang mamahaling pagkain at may napakalaking chocolate fountain sa gitna. Kuha lang ng kuha ito at nilalagay sa malaking plato at nilalagyan din ako.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon