CHAPTER 28

159 10 0
                                    

"Love and lust could not be the same." - Unknown

*****

This is the real me.

Walang kasinungalingan ang mga sinabi ko sa kanya at lahat ng akto ay walang pagkukunwari.

Natutulog na ito sa tabi ko, kung sa bigat ay kaya naman, mas gusto pa ang posisyon ngayon habang mahigpit ang pagkakayakap sa akin at nakapatong ang ulo sa balikat ko.

Mas pinabilisan pa ang pagpapatakbo. Akala noon ay si Shinn ang pinakamabilis sa lahat humawak ng manibela, pero nang makasama si Emerald ay halos hindi makapaniwalang nakamasid habang nasa tabi ako at nagmamaneho ito na parang nakaupo sa sofa at sumisipsip ng lollipop!

Hindi man umabot sa level na iyon ay masasabi ng kahalintulad ko si Shinn sa bilis, kaya ako minsan ang nagmamaneho kapag tumatakas kasama ang Martials.

Muntik pa mawala sa focus nang mapansin nakatitig sa unahan ang kasama, akala tulog ito. Pinabagalan ko ng paunti unti.

"Continue." Balik siniksik ang mukha sa likod ng balikat ko.

Disregard? Ito ang nagugustuhan ko sa lalaking ito, isang tahimik at mapagmasid na tao.

Dahil sa bilis at dahil magandang klase itong sasakyan ay mabilis nakarating sa paroroonan, tinuro sa akin kung saan. Ang naiisip na lupaing sabi nito ay hindi lang pala basta maliit, may katamtaman na laki at pwede pagtayuan ng malaking bahay at may sariling bakod. Sa ngayon ay isang maliit na kubo ang tanging nasa gitna, ang nakapaligid ay lupain at may mga tanim na gulay.

"Ayos lang ba sa'yo kung dyan tayo tumira?" Yumakap mula sa likod habang nakatanaw sa kubo.

"Basta may pagkain at higaan ay kaya ko."

"Dapat kasama ako sa options mo."

"Ayoko."

"Bakit?"

Naglalakad na ako papunta doon. "Hindi kita option, priority kita."

Sumilay ang munting ngiti ng mga labi nito, ang minsan lang ipakita na reaksyon. Hinawakan ako sa isang kamay at pinasok ang loob, may sarili itong susi. Nang makapasok ay makikita ang karumihan at walang mga gamit.

"Seryoso ka ba ako ang priority mo?" Nasa mukha nito ang kagustuhan yata umatras para tumira dito.

"Kunin mo na ang mga gamit sa sasakyan, dito na tayo titira." Nakangiting nilibot ko ang loob, maaliwalas dahil maraming bintanang kahoy. Walang sahig at lupa ang inaapakan. Ang magiging higaan ay parang second floor, sa kanang bahagi. Naka elevate hanggang bewang at may hagdan na maliit, ang papag ay pinaghalong tabla at kawayan. Pwedeng magkasya ang apat na tao sa parihabang sukat. Sana hindi magiba sa bigat at laki ng kasama.

Pumunta sa dulo, katabi ng pintuan sa likod ay ang lababo at maliit na lamesa sa tabi. Binuksan ang pinto at pinagmasdan ang likod ng bahay. Makikita ang sementadong papag sa kanan at natuwa nang makita mayroon water pump. Sa kaliwa ay ang banyo na halatang napabayaan.

"Seryoso ka, Lynn?" Mula sa likod.

"Bili ka na rin ng maraming panlinis."

"Aalis ako mag-isa at maiiwan ka dito?"

"Seryoso ako at gusto ko na matulog kaya kahit dito sa higaan ay maumpisahan na." Pinakita ko sa kanya ang mukha.

Lumapit muna at pinagdikit ang mga noo. "Sige... babalik ako agad."

"Hihintayin kita."

Mabilis tumalikod at umalis, parang batang nautusan at may premyo pagbalik.

Nagpunas ako ng alikabok, iyon muna ang pinagagawa bago punasan ng may tubig ang bawat sulok para mas lalo pa maalis. Maraming agiw at insektong kumakalat, sana maisipan makabili ng mosquito net at baka may gumapang mamaya.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon