"Imaginary obstacle are insurmountable. Real ones aren't." - Barbara Sher
*****
May gagawin na naman ang isa.
Kasunod ang pagbukas ng katabing pinto papunta sa veranda, mga nagsipasok ang mga ito at suot pa rin ang disguises.
"Bakit kayo nandito?" Pagtataray ko sa kanila.
"Kumusta? Ang lalake ni Lynn... tama?" Sa paglapit ni Froiland at nakipagkamay kay Kor.
"Ako nga." Walang takot tinanggap ang palad. "Ano ang nangyari sa mga kinalaban mo?"
Ang tinutukoy ang special troop.
"Siguro kung kasama ka nila mas nahirapan ako," sagot nito.
"Hus, yabang mo Froi, kung hindi ka tinulungan ni Pia baka nasa lapag ka na," singit ni Denise dito.
"At ikaw? Kumain ka lang di ba?"
"Dahil masakit tiyan ko, ang sabi ni Chu pagkain daw ang gamot dito."
"Iyan naman palagi ang sakit mo, Den," tugon ni Rei Chu.
Nasa tabi nito ang halimaw este ang pinuno.
"Atleast kaysa sa sakit ni Froi... batang isip."
"Eh kung alisin ko ang share ko sa kompanya mo?"
"Eh kung siraan ko kaya ang kompanya mo? Don't forget marami akong alam na kahinaan mo."
Pumagitna sa dalawa si Sapphire, kaya mga natahimik. "Ranzo Marle is coming."
Ilang hakbang pa ay bumukas ang pinto at diretso pumasok sa loob ang ama. Kasabay ng pagkagulat ng ama ay ang reyalisasyong para sa sarili, ngayon lang pumasok.
Halimaw talaga ang isang ito.
Pagtingin ko sa ama, gulat at hindi makapaniwala ang anyo nito dahil sa loob ng maliwanag na opisina nito mismo ay makikita ang limang naka-itim at kaming dalawa ni Kor. Normal ang pagkakatayo sa gitna.
Agad ko sinalo ang sitwasyon. "Anong plano mo?" Sa pinuno ako nagtanong.
"To destroy the Hetti Empire," malamig nitong turan.
Napatigil ako sa narinig, hindi ito inaasahan pero kung tutuusin ay lahat hindi inaasahan simula pa ng nasa sasakyan kami.
"Jade?" Tawag ni papa.
"Bakit, pa?"
"Isa ka sa kanila?" Galit na ang mayroon sa mukha, ang mukha ng isang commander. Walang takot hindi kagaya ng pinakita nito sa harapan ng Hetti. At bakit parang may expectation sa mga mata nito?
"Opo." Walang dahilan para magsinungaling kung malinaw at may nais mangyari ang isa dito.
"Kailan pa?" Nakatayo pa rin ito malapit sa pintuan.
"Simula nang nawala ako."
Puno ng hinanakit ang nasa mukha. "Higit pa pala sa inaasahan ko... marami kang tinatago sa akin."
Lumapit ako sa kanya, nang makatapat ay hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hindi lumayo sa akin. "Sorry papa, hindi na mauulit." Pero ang sariling boses ay parang shallow at hindi sapat.
"Alam kong may kakaiba..." parang kausap ang sarili, "alam mo rin ba ito?" Kay Kor nakatingin.
"Hinala pa lang ang mayroon ako noon kay Lynn, nalaman ko lang nitong nakaraan."
"He is right, Mr. Commander," tugon ni Sapphire. "What I said earlier, the purpose we came here is for you to know, we are going to destroy the Hetti Empire."

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...