IN FEMALES dormitory.
"Magrerequest ako maging roommate tayo, Jade." Hindi pa rin nawawala ang excitement sa muling pagkikita.
"Baka sabihin ng iba may relasyon tayo? Ew, pati ba naman sa room ay kasama kita," pagbibiro ko sa kanya.
Namula at medyo naging awkward ang mukha. "Bakit mo naman naisip 'yan?"
"Pumasok lang sa isip ko." Umupo ako sa higaan na napili mula sa apat na higaan sa loob, malawak ang espasyo at double deck ang bawat higaan. Magiging mas mahirap ang gumalaw kapag nasa malapit ang kaibigan na palagi rin dikit sa akin.
"Sabagay, mula noon palagi na tayong magkasama, kahit sa school, nagkahiwalay lang noong... noong umalis ka pala."
Tumango tango ako.
"Kumusta pala ang buhay mo sa London? Wala akong contact sa'yo kasi ayaw ibigay ni papa. Nagtantrums na ako at lahat, walang effect." Nakasimangot, konti lang ang pinagbago nito. Maliban na lang siguro sa pagiging magaling sa labanan.
Tuloy pala sa mata nila ang London?
Nagsalita ako gamit ang accent doon, napatawa ang kaibigan.
"Kumusta pala kayo ni Crom?" Pag-iiba ko ng usapan. Nagkulay pinkish ang pisngi at nagkaroon pa ng mas maraming kislap ang mga mata.
"Kumusta kami? Ahm..."
Dahan dahan itinaas ang kaliwang kamay at pinakita ang isang silver ring, with little black diamonds.
Napangiti ako sa nakikita. "Engage na kayo?"
"Hindi! Bata pa kami... this is a promise ring."
"Going stronger."
"Oo Jade, ginawa ko ang sinabi mo noon, sinusulit ko ang bawat oras namin at gusto niya rin pala. Balak ko na siya alisin sa buhay ko noon kung hindi lang dahil sa sinabi mo... naging masaya ang dalawang taon ko," napaka-sincere ng boses.
"Dahil dyan, ililibre mo ako ng burger... yung buy one take one ha." Nilabas ko pa ang dila na parang natatakam.
Sa kabila ng kwentuhan ay mapapansin ang iba't ibang itsura ng mga tao sa paligid. May ilag, may nakatingin sa amin sa paraang nag-oobserba, may snob at ang iba ay taas kilay. May maliliit na boses, nagbubulungan at siguradong ang kaibigan ang topic. Napansin din ang hindi naaalis ang pagtutok sa amin ng cctv camera. Walang duda dahil sa nangyari kanina.
Iilan lamang ang babae dito, iisa ang building ng seniors at ang greeny na nakapasok ay lumagpas lang sa bente.
Anyway, wala pa pala akong dalang gamit. Kukuha na lang kapag pinayagan makalabas dito. Kung hindi, may kaibigan akong mahihiraman.
Sanay ang sarili walang dala, maliban sa toothbrush at toothpaste na palaging nakasuksok sa bewang ay wala ng iba. Ayaw ng maulit ang nakaraan.
Mula sa likod ng pinto sa silid ay makikita ang schedule sa mga susunod na araw, pati na ang rules at regulations. Konti lang ang nakalagay pero mahahalatang ang isang batas ay mahirap ng sundin.
Kahit na. May plano ako sa mga batas na yan.
SA MALES dormitory.
Nagsigilid sa tabi ang lahat ng dumaan sa gitna ang five stars. Sa kabila ng nangyari kanina ay marami pa rin ang nakapasok. Kahit hindi inaasahan ang nangyari sa unang araw ay marami pa rin ang makikitang magagaling.
Ngayon, nararamdaman ng bawat estudyante na ang galaw nila dito ay dapat naayon sa pamumuno ng mas magaling. Ganoon din ay magkaroon ng lakas ng loob para matapatan ang pinakamagagaling sa training na ito.

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...