MULA sa pinto ay nasulyapan saglit ang dalawang bulto kung saan galing ang putok. Sa gilid ko ay may natumba. Sinamantala ang sandali, pinukpok ng baril ang isa sa kaliwa, idinikit ang dulo niyon sa kanang balikat ng isa at binaril iyon, tumalsik ang dugo at natumba.
May isang putok pang narinig bago napansin natumba ang dalawang bulto sa may pintuan, nandoon na rin ang nakaputi.
Sina Seroni iyon.
Huli na para pigilan ang paparating, isang paa papunta sa tiyan. Umangat ang sariling mga paa at napasandal sa dulo sa pader. Sa sobrang sakit ay hindi agad nakatayo.
Parang Neah ang rewind na ito!
Dalawang segundo bago nakabawi, nanlabo ang paningin sa sakit nang mapatingin sa pinanggalingan, walang sumugod. Iyon ay dahil ang natirang hindi ko nabaril ay pinagtulungan ang mga pinatumba at inilabas. Aalis na?
Tumayo at hinakbang ko ang mga paa para habulin sila. Mahahabol sana dahil ilang hakbang lang ang layo ay hindi... nasa lapag, sa labas ng pinto ay sina Loft at Seroni, mga walang malay.
Sabay kinapa ang pulsuhan ng dalawa, may buhay pa ang mga ito. Ginising ang mga ugat nila at mabilis naalimpungatan. Si Seroni ay luminaw agad ang paningin habang si Loft ay hindi pa mawari kung anong nangyayari.
"Papunta sila sa exit," doon ako nakatingin, "habulin natin sila," yaya ko sa dalawa.
Hindi natuloy ang gagawin sana nang marinig ang ingay mula sa labas, sa entrance ng agency.
"Umalis na tayo dito," iyon ang tanging sinabi.
Mas tinulungan ko si Loft at inalalayan tumayo, lumakad itong paika-ika at halos hilahin ang isang paa.
Nakasunod si Seroni. "Bakit tayo umalis doon? At susundan ba natin sila?" Nakakapagsalita pa habang putok ang magkabilang labi at puno ng dugo ang mga iyon. Walang pakialam pinupunasan sa likod ng palad.
"Isasa-ilalim tayo sa investigation dahil sa nangyari sa loob kung maabutan tayo doon, aksaya iyon ng oras."
"Freaky intuition!" Dumura ng dugo sa basurahan.
"Baka maabutan natin sila... ako na bahala," sabi ko at seryoso ako. Hindi dahil maghiganti at may naka-score sa akin na tumama kundi hindi ko gawain may makakatakas sa ganitong pagkakataon. Alam nila ang mukha ko at may madamay kapag nagstrike muli ang mga iyon.
Hindi ako papayag.
"Where are they?" Tanong ko kay Sapphire.
"Too late, they used a car at the exit... and left."
Saktong nakarating sa labasan ng canteen kasunod ang undreground at tanaw ang exit sa dulo. Natanaw pa ang isang malaking sasakyan sa dulo at nawala sa paningin. Naglakad pa ng maraming hakbang, naniniguro si Seroni kung may makikitang sasakyan sa malapit, pero wala dahil sa kabilang parte pa ng groundfloor ang parking area dito sa likod ng agency.
Napahugot ako ng hininga. "Too late!"
"I will follow them." Naputol ang linya.
Inilapag ko ang nanghihinang si Loft sa isang malaki at matabang poste. Bumalik si Seroni habang bagsak ang mga balikat, lumilingon pa at baka umaasang babalik ang umalis.
"Sino sila, MBD?"
"Hindi ko nga sila kilala." Kumuha ng kapirasong candy sa bulsa, ang naalalang tinago kanina. Inalis ang balot gamit ang ngipin, kinuha ang matamis sa loob at inoffer sa bibig ni Loft. "Oh, orange flavor ito."
"I'm not a kid!" Iritadong sigaw, pagkatapos ay ngumiwi at napahawak sa dibdib nitong duguan.
"Baka lang may hypoglycemia ka at candy di ba ang first aid?"
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Acción"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...