IKALAWANG araw.
"Kahapon, sabi mo may balak ka gawin, ano iyon?" Tanong ko kay Alen, nandito ulit kami sa Richmond High.
"Hindi ko nakuha ang request pero later on sana. Gusto ko kasi masubukan hindi puro babae kalaban ko. Kung sakali ako ang nag champion sa girl's division, ang mga lalaki naman ang susubukan ko."
"Sana makuha mo."
"Sana nga pumayag sila."
"Andyan na kalaban mo," agaw ko sa pansin niya sa bagong dating, "pupunta na ako sa labas."
"Sige, hintayin mo ako doon ha."
"Oo."
Naglakad ako papalabas at nakisama sa kumpulan ng estudyante, dumadaan kasi ang mga lalaking may magagandang mukha.
Napatingin muli sa akin ang isa nang walang emosyon ang anyo. Binigyan ko naman siya ng walang reaksyon at mabilis inalisan ng tingin.
Ngayon naman, sa shooting competition ay apat lang ang nakapasok. Binigyan ng tig-limang bala, pinasok ko iyon lahat sa bullet casing at kinasa. Pinatayo kami sa tig-iisang stand at sabay sabay gagawin ang pagpapaputok. Bago magbigay ng signal ang facilitator, napadako ang tingin ko sa tabi. Mula doon ay may nakatitig sa akin at hindi halos kumukurap, tapos biglang ngumiti. Ang inspirasyon sa puso ay napalitan ng kaba.
Ito ang isa sa babaeng may kakaibang dating.
Binalik ko ang atensyon sa unahan pero ang isip ay nasa tabi, malakas ang paghila para hindi makapag-concentrate sa gagawin. Ginawa ko huminga ng malalim.
Focus sa gusto kong mangyari.
Hanggang sa natanggap ang signal, sa kanang kamay ay sunod-sunod kinalabit ang gatilyo.
"Okay! Wait for the checking!" Sigaw pagkatapos.
Hindi pinagkaabalahan tingnan, pero naghintay pa rin sa announcement.
"Gin Kor Marle got the bull's eye! Siya lang ang nakakuha... Richmond got first place in shooting activity!"
Tili ng mga babaeng supporter mula sa malapit ang pumailanlang sa ere.
Sa mabagal na paglalakad paalis ay maririnig ang usapan sa ibang grupo.
"Ni isang bala walang pumasok sa iba?!"
"Akala ko ba puro bull's eye ang nakuha nila kahapon?"
"Bakit si Gin lang nakakuha ng perfect shot?"
"Syempre he is good."
"May nakakapagtaka ba?"
"I thought he was just relaxed and had no interest at all?"
"Sabi mo nga."
"Hindi na si Mio ang crush ko... siya na ngayon!"
"Ambilis magpalit ha?"
"Ang ganda kasi ng katawan niya, gwapo pa at magaling!"
Tuluyan umalis dito. Pumasok ulit sa gym para balikan at panoorin si Alen. Naabutan ito ang sunod sa linya para sa panibagong laban. Hindi ko pinaalam nandito na ako, ang ginawa ay kumain sa tabi at nanood sa mga ito. Hanggang ang kaibigan ang sunod. Ang kalaban ay mas malaki, malaki ang braso samantala katamtaman lang ang kay Alen pero hindi nakikita ang pagkatakot at alinlangan mula sa kaibigan kundi mahinahon lamang.
Nang mag-umpisa ay puro iwas ang ginawa dahil sumusugod ang kalaban, mahaba ang mga biyas sa pagsipa at paggalaw ng mga braso. Siguro pinag-aralan ang galaw ni Alen kahapon at handa ngayon.

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...