CHAPTER 48

10 1 0
                                    

SA mga sumunod na araw.

Tumitindi ang usapan sa pagitan ng elites. Hindi pinapaalam sa labas, pero malaki ang bulungan na hindi pinaparating sa angkan ng Hetti, iyon ay ang tungkol sa pagsulpot ko sa okasyon at ang karapatan ko sa royal line. Wala pa rin nabubuong desisyon at hindi pa nagtatangka pag usapan iyon. May ilan pinag-aaralan ang sitwasyon.

Hindi kami pinayagan ni papa hanggang walang pormal na usapan tungkol sa kasal at tungkol sa dadalhin kong apelyido. Napapansin, halos hindi na makita ang ama sa dami ng gawain nito kaya walang pagkakataon makausap ng sarilinan.

Nagising kinaumagahan, nakatitig sa akin ang isa at halos hindi kumukurap. Binati ko siya, "Good morning," at binigyan ng halik sa pisngi. "Hindi ka papasok?"

"Sabay tayo."

"Ayoko muna doon," simangot ko.

"Bakit?"

Hindi maalis ang titig sa akin, sa anyo ay parang kakainin ako. "Malalayo ka sa paningin ko."

Hindi ngumiti sa sinabi ko, imbis ay tumayo at bigla akong binuhat sa paraan ng isang prinsepe sa kanyang prinsesa, patungo sa banyo. Binuksan ng isang kamay ang nakasaradong pinto, pumasok habang nakakapit ako sa kanya. Ibinaba sa ilalim ng shower at bago pa makatakas ay bumuhos ang nakakabiglang lamig na pumalibot sa buong katawan, nagtayuan ang lahat ng balahibo sa balat at biglang nakagat ang ibabang labi para ipitin ang sanay pagsigaw.

Tumalikod ito at lumabas ng banyo. Walang choice kundi maligo.

Pagkalabas sa banyo ay masama ang tingin ko sa kanya pero binabalewala, ni hindi ngumiti kundi napakaseryoso habang hinahanapan ako ng susuotin. Bakit kaya? May nasabi ba akong ayaw niya? Pupunta kami ng agency?

Nakakuha ng damit, ang parating gawi, loose shirt at fitted jeans. Kinuha ko iyon sa kamay niya at binalik sa lalagyan, ang ipinalit ay isang bestidang kulay berde.

Napaungol at sumimagot.

Doon lang ako nagsalita, "Why?" Tinaasan ko ng kilay.

"Don't wear that."

Binigay ko sa kanya ang damit. "Isuot mo sa akin."

Kinuha pero ibinalik sa closet. "Hide your body from those lustful eyes!"

Napangisi ako. "Shape lang ng katawan ko ang makikita nila... walang big deal--"

"Big deal para sa akin. Kahit konti ayoko makita nila, baka hindi ko mapigilan dukutin mga mata nila--"

Mabilis kong kinuha ulit ang damit at isinuot, naipasok ko na sa katawan bago mapigilan. Frustrated ang mukha at taas baba ang titig sa akin hanggang naisaayos ko sa tamang kurba ang bestida. "Done."

Pagkatapos ng ginawa ko ay hindi na naman umimik sa akin, hindi ko rin siya pinansin. Kahit hanggang makarating sa lugar ng trabaho.

"Nandito na tayo," walang iritasyon sa boses pero halata wala sa mood.

Paalis na ako ng sasakyan nang tumunog ang cellphone sa pinagtataguan, agad kinuha at binuksan. Nakamasid sa akin si Kor nang binasa ko ang mensahe.

Sanctuary, now.

Friday ng tanghali ngayon. Umpisa na ba ito?

Ipinaalam ko sa kanya. "May pupuntahan ako."

Humawak bigla sa kamay. "Where?"

"Sa hideout," nakangiti kong sabi.

Naglalaban ang anyo sa mukha. Kung may ibang tao ay pormal ito, kapag kaming dalawa ay pinapakita ang totoong emosyon. "Anong oras ka babalik sa tabi ko?" May pag-aalala sa tono.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon