"Don't waste your time on jealousy. Sometimes you're ahead; sometimes you're behind. The race is long and in the end, it is only with himself." - Mary Schmich
*****
FIVE YEARS later.
And I'm now twenty-six years old. Beautiful and loser in their sight. Haha. Okay. Beautiful ang face pero loose lahat ng damit para hindi makita ang totoong curves ng body. Hindi naman masasabing boyish.
"Iyan ba ang sekreto ng pagiging maganda? Smiling face?" Tanong ng isang katrabaho.
Pares ko ay binagsak kami dito sa paperworks. "Oo, tapos maglagay ka ng cream every night. Marami akong extra gusto mo bigyan kita?"
"Sige sige! Iyan ba ang sekreto ng skin mo?"
Pinisil pisil pa ang pisngi ko.
"Kala ko retoke 'to."
"Hindi ah!" Nilayo ko ang mukha.
"Ako rin, Jade!" Singit pa ng isa.
"Sige, try it sa sarili niyo. Magiging maganda talaga ang kutis niyo," pagmamayabang ko.
"Maganda nga mahina naman."
Kanina ko pa sila napansin, ang mga bagong dating. Galing ang grupong ito sa isang mahirap na misyon tinalaga sa kanila. Ang nagsalita ay babae, si Neah, may mataas na ranggo, kaya lang masyadong boyish. Kaya imbis siya ang pansinin ng mga lalaki dito ay hindi.
"Thank you," bibo kong sabi.
May dumating pa, mga pinuno sa agency, kasama ang ama at si Uncle Eleas. Dumaan sa gitna namin kaya nagbigay galang ako kaya nagsalute.
Tumigil ang nauuna, kapantay ito ni uncle sa ranggo. "Who are you?" Napansin agad.
Napasimangot agad si Neah, ako naman ay nagsalita, "Special agent Jade Nike, sir!"
"Special?" Nakataas ang gilid ng labi tapos ay pinagmasdan ang paligid, dito kasi ang tambakan ng mga mababa ang ranggo.
Ang nakasimangot ay napangiti na ngayon, mas lalo akong natuwa. "Yah, I'm special, sir," isinama ko ang sarili.
May bumulong dito, tapos tumingin kay papa at kay uncle. "Obviously." Nagpatuloy na sa paglalakad.
Si papa ay hindi man lang ako binigyan ng tingin, si uncle ang nag-hi.
Cute.
Pero ang humarap ay hindi. "Special ha? Kailan pa? Self proclaim?"
"Napapansin ko," sineryoso ko ang mukha tapos bigla akong ngumiti, "palagi kang tama, Neah."
Nagsitawanan dito, sa ingay ay lumabas ang may hawak sa aming opisyal. "Ano na naman ito, Nike?" Iritado, palaging mainit ang ulo, ito kasi ang sumasalo sa mga mabibigat na problema.
Kagaya ko, ako ang problema. Haha.
Nag-peace sign ako bago bumalik sa sariling table at tinabihan ang mga tahimik kong office worker.
Bago umalis ay may binulong muna ang isa, "Itigil mo ang katatawag sa akin na Neah. Hindi mo magugustuhan ang susunod kong gagawin."
Lumayo, nakaisip agad ako ng...
"Ano susunod mo gagawin, Ne-ah?"
Umaapoy ang mga matang bumalik, tumigil sa harapan ko at walang pasabing binaliktad ang lamesa, buti nakaiwas kaya lang ay umuulan ng papel.
At ang inaasahan...
"NIKE!"
Sermon ang nakuha.
Hindi natapos ang araw ay pinatawag ako sa itaas, ang opisina ng ama. Habang papunta doon ay binagalan ang paglalakad dahil sinisilip ang bawat departamentong nadadaanan sa tabi. Ito ang lugar kung saan marami ang gustong makapasok at magagaling lamang ang tinatanggap - ang National Intelligence Agency, isang division ng gobyerno. Ang inaasahan sa maraming bagay dahil marami itong sangay kagaya ng security agency na si Uncle Eleas ang namamahala.
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Ação"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...