CHAPTER 27

19 2 0
                                        

MALINAW ang narinig pero hindi ito ang dapat na sagot.

"Bakit?"

Tumayo mula sa kinauupuan at lumapit. Ang liwanag ng gabi mula sa likuran ay nasilayan ng bahagya ang kagandahang napansin kanina sa pagtitipon. Hanggang nagkatapat sa pagkakatayo.

Nabigla ang isip nang yumakap na lang ng basta ng napakahigpit. Ang malambot na katawan sa sariling matigas na pakiramdam. Awtomatikong ginantihan ang yakap, sa mabagal na paraan. Hanggang tumingala at sinalubong ang mga titig ko sa kanya.

Nagbigay ng ngiti. "Saan tayo magbabakasyon?"

Napalunok sa pagkakalapit na ito, ang tanging nagawa sa halos hindi gumanang utak sa narinig. Nakatitig sa akin at naghihintay.

Bakasyon? Ang usapan noon. Ngayon na ba? Naalala ang mga pinaghandaan ng nakaraang taon ng hindi natuloy, baka pwede pa iyon.

"May sasakyan ako sa labas, gamitin natin."

Muling napalunok sa klase ng pagkakangiti niya para sa akin. Naging malinaw na hindi totoo ang kanina, ang sagot nito sa tanong. Kaya agad nagdesisyon, "Samahan mo muna ako sa kwarto ko, kukuha ako ng gamit natin." Ayaw ko siya mahiwalay sa akin at baka pagbalik ay wala na.

Inalis ko ang pagkakayakap niya sa akin at sinakop ng mahigpit ang kamay na nahawakan. Hindi lumayo at ngiti ang ibinigay habang giniya ko siya papunta sa terasa. Inalalayan ang malambot na katawan tumawid sa kabila. Mula pa sa kabila ay biglang kumalat ang liwanag, agad siniksik ko siya sa sarili ko sa pagdikit sa pader at hindi muna gumalaw.

"Ayos lang sa akin mahuli tayo," bulong nito at ramdam ang ginagawa nitong pag-amoy amoy.

Pinigilan ang gusto mangyari ng katawan, ng sariling mga kamay na hindi mahulog sa ginagawa nito. Dahan dahan ay binuhat ko ang katawan niya at napakapit sa akin, mahinang tumawa habang ginawa ko iyon. Walang ingay pinasok ang isang pintuan kung nasaan ang silid ko. Ito ang pintuang hinahayaan bukas para kung sakali dumating ang babaeng palaging hinihintay ay malaya itong makapasok.

Binuksan ko ang ilaw bago nilapag sa higaan ang katawang buhat. Muling nagkatitigan, ang maganda nitong mukha ay nakatunghay sa akin. Pinilit umalis muna at lumayo, saka tinakpan ang mga bintana ng kurtina, pati ang pinto ay siniguradong nakasara.

Binalikan at inilapit ang sarili sa kanya. Ang pagkakaiba ngayon ay mayroon ng liwanag at malinaw nakikita ang bawat detalye sa mukha.

"Ako pa rin ba ang gusto mo?" Gusto ko makasiguro bago umalis.

"Mahal na kita kaya hindi na pagkagusto ang nararamdaman ko para sa iyo," sa mahinang boses. Umupo at nilapit ang mukha.

Natigilan sa aktong ito, lalo pa nang pinagdikit ang mga noo.

"Sana pagkatapos ng bakasyon, mahal mo na rin ako."

Katulad ng dati, nang magtapat siya sa akin noon ay hindi nagawang makapagsalita agad ng sariling bibig, parang umatras ang dila at walang mahagilap para sabihin.

"Kung may iba ka ng gusto o kaya may mamahalin ka ng iba, sabihin mo agad sa akin, tatanggapin ko."

Kinulong ko ang katawan niya sa sariling mga bisig ng napakahigpit, hindi na kailangan marinig ang susunod. "Alis na tayo."

"Sige."

Sa kabila ng pagyaya ko sa kanya ay hindi nagawang gumalaw. Tawa ang natanggap mula dito. Naghiwalay ang mga katawan. Sunod at naramdaman ang paghawak niya sa dibdib ko, nalilitong napatingin ako doon kasabay ng pag-usbong ng hindi kontrol na pakiramdam mula sa loob.

Mas lalo pa ng tinatanggal ang pagkakabutones sa suot kong polo.

"Lynn?"

Ang mukha nito ay buo ang atensyon sa ginagawa. "May extra ka bang damit dyan, gusto ko rin magpalit, agaw pansin tayo kapag ganito--"

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon