CHAPTER 20

6 0 0
                                    

PINIGILAN ang ngisi sa nalaman.

"Bakit kaya Jade wala tayong drill ngayon? Nagsasarili ang seniors natin."

"Baka nagbakasyon sila."

Napataas ang kilay. "Kung ganyan... maglaro tayo ng Jade dart!" Excited ang mukha, "turuan mo ako."

"Ako pa talaga?"

"Dahil ikaw lang naman ang walang ka-effort effort tumira."

Nagpahila ako para hindi naman boring sa araw na ito, bago makarating sa lugar kung saan ang training ground ay tumunog ang bell at nagkaroon ng tinatawag na immediate gathering sa hall.

Doon kami dumiretso. Naabutan ang seniors sa unahan at nakakalat, nagbibigay command sa kapwa trainees. Karamihan dito ay katulad namin na baguhan. May nakatayo sa pinakagitna at nakasubaybay, nakangiti at nakamasid. Ito yata ang pinaka-leader sa seniors.

Nang makalinya ang lahat at nagtipon ay nagsalita ito, "Ngayon, ako na muna ang bahala sa mangyayari sa araw na ito, approve mismo ng ating Commander! Lahat ng hindi susunod ay bibigyan ko ng simpleng punishment." Tumawa muna at ang iba pa nitong kasama. "Hahalikan ang paa ko!"

Sa sinabi nito ay nagkaroon ng malaking ingay sa buong hall, hindi sang-ayon sa narinig. Kahit ang freshmen na hindi pa lubos napag-aaralan ang codes of conduct ay common sense, mali ang term at rights sa pagbibigay ng consequences.

"Maglaro na lang tayo ng jade dart," sabi ng kaibigan sa mahinahon na mukha at nag-umpisa ng maglakad, nasa unahan kaya kapansin pansin iyon.

Pinigilan ito. "Ang lumabas ay automatic suspended ng isang buwan!"

Napatigil sa paglakad si Alen.

"May authority ako mismo, hindi kayo nakikinig." Inilabas ang isang card na may seal. Malinaw iyon kaya nagkaroon ng katahimikan.

Saglit lamang tinitigan iyon ni Alen at nagpatuloy pa lumabas. Nagkaroon ng signal para pigilan ito, kaya ngayon ay nasa harapan mismo nito ang seniors, hinarangan ang daan palabas.

"Dahil lang nakalamang ka sa unang araw mo dito, akala mo magaling ka na. Hindi mo pa yata kami nakikita kung paano makipaglaban. Huwag ka umasta ikaw na ang magaling," sabi ng isa dito.

"Baka hindi mo na magamit ang title mo? Kaya alamin mo kung sino ang dapat ginagalang... huwag ka magmagaling."

"Halika ka na Jade," tawag nito.

Balewalang sumunod ako at tumayo sa likod nito.

Tapos ay naglakad papunta sa mga nakaharang, hinanda ang isang braso nito sa paraang nag-stretch at sinalubong ang paparating. Bago pa man magamit para mag-umpisa maglaban ay humawi ang pintong sinarado pa lamang.

Nagsipasukan ang lagpas sampung mga tao, lalaki at babae.

Nagsigilid ang seniors, natira kami ni Alen sa gitna, habang nasa likod namin ang lahat. Natukoy agad kung sino ang mga taong ito, mga opisyal ng NIA, galing mismo sa kilalang agency ng bansa. Narito mismo ang ama ni Alen. Nandito rin ang isang katulad ko, si Baru Dex, isa ng agent at kahit bata pa, mataas agad ang ranggo.

Nilipat ko agad ang paningin palayo sa kanila, baka mahuli pang nakatitig kahit nasa likod ako ni Alen.

Nagsalita ang ama nito, "We are now going to supervise this training school, I am Eleas Luther and these men will be your commandants to facilitate all of you."

Sana hindi mapunta sa amin si Dex dahil mawawalan ako ng kalayaan. Kung sa kakayahan ay alam kong--

"Freshmens, follow him." Tinuro ang isang kasamahan.

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon