"Simplicity of character is no hindrance to the subtlety of intellect." - John Viscount Morley
*****
MALAKAS ang ingay ng alarm galing sa field.
Itinayo ko ng pilit ang katawan, malinaw nagkakagulo sa paligid dahil sa pagmamadali. Isinuot ang rubber shoes pati ang paboritong dayami hat. Kinuha ang toothbrush, kahit nakapikit pa ay tumapat sa may kuhanan ng tubig at nagkuskos ng ngipin. Pagkatapos ay uminom ng tubig at naramdaman ang pagkabuhay ng senses. Tumakbo na sa tamang bilis para makarating sa pagtitipon, nandito na rin si Alen at tumabi ako sa kanya sa pila.
Buti umabot, sakto pagkatayo sa pwesto ay tumigil ang alarm. May free push ups sana at squat kung late.
Pagkatapos ng sampung minuto habang nakatayo, nasa harapan halos lahat ng staff at nasa gitna ang commander, mukhang may mangyayari.
Nagbigay ng attention at lahat ng may punishment ay tumayo sa pila. Nagsalita ang nasa harap.
"Remove your hat soldier."
Ako yata ang tinutukoy, sayang cute pa naman ito. Kulang na nga lang ay espada sa suot kong maluwag na damit, kasabay pa nitong sombrerong dayami, remembrance galing kay freak.
Inalis ko at tinabi sa gilid.
"Bakit pala hindi mo na sinusuot ang disguises mo Jade kagaya noon?" Tanong ng pabulong dahil tahimik ang lahat at waring nararamdaman ng bawat isa ang hindi magandang aura.
"Para makita nila na maganda ako," nakangiti kong balik.
"Experiment, Jade?"
Naagaw ang atensyon namin dahil sa mga sunod na sinabi mula sa unahan. "Today, all the cctv all over the sorrounding or inside of this school are broken, so it means it was done last night." Gumagamit ng loudspeaker para marinig ng lahat.
Nagkaroon ng tinginan sa bawat trainees at bulungan, tumigil din dahil pinatahimik.
Grabe naman.
"Only the outside cameras were not broken, that means the guilty is here within us."
"So, whoever did that, make yourself known because the error of the one, all will suffer."
Tahimik ang kapaligiran, may dumaan kasi na batallion ng anghel, pero ang tanong, ano ang punishment?
"We will stand here all day and continue again until the suspect is not yet detected or made known."
What if isang buong taon hindi nalaman, isang taon din ganito? Unreasonable.
May vibration mula sa gilid ng binti, pasimpleng sinilip kung ano ang dumating. May message, binasa ko.
It is done, Your Highness.
Advice ng controller gumawa ako ng exciting set up sa part mo, I don't know the reason but I followed. Tinamad na ako ubusin lahat, I prefer to sleep at nagigising pa lang. Tsk! Nasabihan pa ako ng masipag kong kapatid kulang daw ako sa time management. Just explaining, I'm bored. See you.Napangisi sa nabasa.
Bigla nagsialisan ang staff. Nang mawala sila ay umupo muna kami ni Alen sa tabi.
"Bakit kaya sila umalis Jade?"
"Baka magsnack? Or hindi pa yata nagbreakfast."
"Siguro." Habang nakatanaw doon.
May isang senior ang tumatakbo papunta sa amin, pinapapasok kami lahat sa pinakamalaking hall. Sumunod at nagpatianod sa kanila. Nang makapasok lahat ay may pinakitang picture sa screen, isang taong nakasuot ng itim, kimonos style at malaking sombrero. Kulay gray na natatakpan halos kalahati ng mukha at may espadang suot sa gilid.
![](https://img.wattpad.com/cover/22847878-288-k919210.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...