"Love must conquer hate, for hate cannot conquer itself." - Swami Vivekananda
*****
Georgie? What the!? Walang mask!
"You fool! Basta ka na lang umalis ng walang paalam! Then ganyan ang itsura mo ngayon?!"
Mas malakas pa ang boses kaysa kay papa, magigising ang buong universe, sinabayan ko iyon, "Dati naman ako hindi nagpapaalam ha! We're same! At bakit nandito ka? Look at yourself! Hindi ka man lang nagbihis? Pajama at poo t-shirt?"
Doon lang siguro nito napansin. Maliban sa dalawang naka-itim ay present din ang commander ng NIA at isang member ng special troop.
"Oh dear, too much caring for your bestfriend and you forgot the most basic thing." Parang hindi bothered sa pagpuna ang pinuno.
Bumalik sa dating huwisyo ito, sa mahinahong boses, "Who cares? At bakit kayo nandito? Ang sabi mo dito muna magstay ang idiot na ito. Hindi mo man lang nabanggit may bisita pala." Natigilan muli. Napatitig kay papa, bumalik sa pinuno. "Am I missing something?"
Sinabi ni Sapphire ang tungkol sa alliance at sa sitwasyon ng nakaraan. Quick, short at simple ang mga salita at mukhang kuha agad ng kulot na ito.
"Mr. Commander, this woman who calls your daughter a fool and an idiot is Georgina Zus, Jade's bestfriend." Pagpapakilala sa dalawa.
Si Rei ay tahimik tumatawa sa tabi habang si Georgie ay bahagyang namula. "Does it matter kung ipakilala ako? Correction, I am not her bestfriend." Tapos ay tumitig kay papa.
"I don't understand this situation, but I am now concerned about Jade. I need to know what happens?"
Mukhang balewala kay papa ang pagpapakita ng mukha ni Georgie, magpapaliwanag sana ako nang sumingit si Sapphire. Doon napansin may dala itong laptop.
"I will show you."
Mabilis ang loading ng screen. Mula sa nakikita ay pinakita at pinanood ng lahat ang umpisa kung saan nabuksan ang linya ko sa lahat sa pangunguna kanina ni Emerald. Ang pagkakatayo ko sa loob, ang alam ay madilim pero ang sa screen ay maliwanag.
Ang usapan ay recorded, malinaw ang bawat salita. Hanggang sa dumating ang mga naka-itim. Muntik ko ng bigyan ng palakpak ang sarili dahil parang wala akong tama sa tagiliran sa klase ng pagkakatayo at paghihintay ng paglapit ng lima.
Nag umpisa ang labanan. Tahimik ang lahat, hindi na ako nakatitig sa screen kundi sa mga mukha sa paligid - halos hindi na mga kumurap.
"Monster move? That monster dance? Is that it?"
"Yah Georgie, incorporation ng dance move sa galaw natin. Ayos ba? Sa iyo ko sana gusto unang ipakita kaya lang..." Hindi ko naituloy dahil katabi ko ang dahilan. Hindi naalis ang pagkakangiti.
"Panget," komento ng kaibigan.
"Maganda kaya. Tawag diyan, undescribable beauty. Dancing with silent and unseen movement. They were struck and were surprised, or maybe too engrossed to move," sambit ni Rei. "I will practice it, is that okay with you Lynn?"
Binigyan ko siya ng ngiti. "Feel free."
"Ikaw 'yan?!"
Napalingon ako kay papa, hindi makapaniwala ang boses at nakatitig pa rin sa screen. Napalitan ng pag-aalala nang makita ako doon napaluhod dahil sa sakit.
"Ikaw ba talaga ito, Jade?"
"Opo papa, bakit?"
Kagaya ni Kor na kanina ko pa hindi binibigyan ng sulyap ay sari saring emosyon ang pinakita ng ama at humarap sa akin, hinahaplos ang pisngi ko. Speechless ito.
BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Aksi"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...