CHAPTER 49

146 10 0
                                    

"Justice is often pale and melancholy; but gratitude, her daughter, is constantly in the flow of spirits and the bloom of loveliness." - W.S. Landor

*****

Medyo nawala ang nabuong tension.

Nagsibalikan ang lahat sa kinatatayuan kanina. Nang lumipas ang natitirang minuto ay nag umpisa ang simpleng paligsahan. Sa napapansin ay mahihirap ang bawat rounds pero ang resulta ay lahat nakakakuha ng bull's eye. Kahit si Alen na noon ay takot sa baril.

Hindi ko inaalis ang mga mata sa nangyayari nang may tumabi sa pagkakaupo ko, paglingon ay si Kor. "Bakit?" Nakatitig kasi sa mga binti ko.

"Hindi mo suot ang jeans mo."

Ganito ang salubong sa akin? Hindi man lang nag aalala kagaya ni papa na hanggang ngayon ay sa akin ang focus at hindi sa mga tauhan nito. "Maluwag naman ang tshirt ko. Wala kasi akong extrang dala kaya nanghiram ako ng short."

"Uuwi ka ba sa kwarto natin ngayon?"

Kwarto? Haha. "Hindi, sumaglit lang ako dito para makita ka."

Matagal ang katahimikan habang nakatitig sa isa't isa. Alam kong inoorbserbahan niya ako. Siguro kaya hindi nagtatanong ng kagaya ng kay papa ay dahil alam niyang hindi ako sasagot ng matino.

"Baka raw sumulpot ang black diamonds sa meeting bukas, pinaghahandaan nila--"

Dahil hinalikan ko siya sa labi sa saglit na paraan. "Sa Friday ako babalik mahal ko, hintayin mo ako."

Pinakita ang mukhang nahihirapan. "Huwag mo ako iiwan."

Nagpalit agad ang anyo nang may napansin papalapit.

"Hey dud, matatalo ka kapag nawala ang concentration mo," pang-iinis dito ni Kio.

Nakatingin na rin sa amin ang iba. Wala naman dapat itago dahil pinakita na sa kanila ang totoo. Hindi sila pinansin ni Kor, tumayo at pumunta na ito sa pwesto, pinakita ang inaasahan kong makita.

Nang saglit inalis ni papa sa akin ang paningin ay tinalikuran ko sila.

Wednesday, ang pagharap sa kanila ni Lu Won at ang pagpapakita namin dalawampu sa screen sa harapan ng mga opisyal ng gobyerno at ang pagbibigay alam sa kanila ang hawak na ebidensya kung sino ang mga corrupt na tao sa government.

Ang isa sa tumatak sa isipan ay ang sinabi ni Lu Won sa harapan ng mga opisyal - ang numero ng ranking ng Black Diamond. Mula sa line of communication ay binulong iyon ni Sapphire kay Lu nang magtanong ang isa sa opisyal tungkol sa dyamanteng may nakaukit na numero.

"Tell them, Won won," iyon ang sabi ni Sapphire.

"The leader is the number one," sabi ni Lu Won sa meeting, sa harap mismo ng mga opisyal.

Mula noon ay walang significance at related ang numero sa amin. Hindi dahil sa pasunod sunod ayon sa membership at ranking. Kagaya ni Baru o Exher James, mas matagal na bilang myembro at parehas nakakatakot sa kakayahan, at ang numero nila ay nasa huli. O baka dahil tricks ito at panakot sa labas?

Thursday, meeting again. Pinaalam ni Shinn ang pagiging kapatid nito kay Sapphire. Ang nakakagulat sa lahat ay ang pagkatao nito at ang pag-aalis ng maskara at pagpapakita ng totoong anyo. Tapos may isang kayamanan pa ito sa katawan? Amazing, bato na kayang bumili ng bansa. How rich!

Para sa akin? Bahay nga na hindi ko pagkaabalahan bilhin, bansa pa kaya? At si Ben Juaquin. That tactician. Great. Nakaka-connect ako sa kanila, love conquers all.

Pero ang isang katotohanan mula sa mga nasaksihan, iyon ay ang tungkol sa tinatawag na Ten Godfathers ng secret society. Kita sa ibang kaibigan ang reaksyon nila nang malaman ang tungkol doon. Tatlong godfathers ang mayroon sa grupong ito!

BOOK 6 - COVERTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon