"Do not put off till tomorrow, what you can do the day after." - Oscar Wilde
*****
KAYA sa mga natitirang mga araw. Sinulit ang oras sa pagbisita ng bawat magagandang tanawin sa kalapit na lugar, minsan camping at halos buong magdamag nakatitig sa mga kalangitan na puno ng kislap ng bituwin, o di kaya ay nakatitig sa isa't isa.
Ngayon ay nakaupo ng magkatabi, nakaharap sa magandang tanawin habang nasa isang maliit na tuktok ng bundok.
"May picture na ba ako sa wallet mo?" Tanong nito habang nakaumang ang isang palad para hingiin ang wallet.
Binigay ko at agad binuksan, isa iyong green wallet, manipis at di tiklop. Nang mabuksan ay nakita ang mga nakasuksok sa packet.
"Bakit mayroon ka nito?" Ngayon, mayroon itong titig na hindi na naman kayang maarok.
Ang tinutukoy ay ang pitch black atm card. Mas napansin ang card kaysa sa picture na tinatanong sana nito. "Masama ba mayroon nito?" Mahinahon kong tanong, may alam pala ito sa ganyang klase ng card.
"Forget my words." Nilayo ang paningin at ibinalik sa harapan.
Disregard again? "Bakit?"
"Hindi naman importante," seryoso ang boses.
"Natatakot ka ba malaman o ayaw mo tanggapin?"
Marahas ang paghugot ng paghinga at nasasaktan ang mga matang ibinalik. "Ikaw ang may gustong huwag ako makialam sa personal mong buhay... kahit gustong gusto ko pero pinaparamdam mo sa akin na hindi dapat... naiintindihan ko naman--"
"Forget it," bored kong sabi, "forget my question also." Tumayo ako at nag-umpisa maglakad.
"Where are you going?"
"Balik na tayo." Hindi ko nilingon.
Sumunod agad at sumabay. "May nasabi ba akong ayaw mo?"
Hindi ko sinagot.
Marami na ang hakbang na nagawa nang humawak sa braso para patigilin. "I love you, Lynn." Sa sobrang malapit ang mukha. "Mahal na kita."
"Thank you." Inalis ko ang pagkakahawak ng braso at nagpatuloy naglakad.
"Lynn!"
Nakailang hakbang na, may distansya ang boses at hindi ko nilingon.
"Immature love ba ang tingin mo sa meron ako para sa iyo? O ikaw ang nakakaramdam nyan sa akin?"
Pumasok lahat ng iyon sa isipan. Di nga ba? Ganoon nga ba?
Kinuyom ang palad ng mahigpit, inis na pinipigilan ay gusto kumawala. Bakit nga ba nararamdam ko ito? Naiinis lang ako ng hindi pigil minsan kapag...
Haist! Nilingon ko siya, naglalakad na ito pabalik sa pinanggalingan. Sinundan at naabutan nakaupo ng hindi maipinta ang mukha. Tumabi ako sa kanya, saka kinuha ang panyo at pinunasan ang mukha nitong may namumuong pawis.
"Sorry."
"Let's not do it again," parang batas ang boses.
"Sige."
Hindi pa rin tumitingin sa akin, malamig ang anyo at mukhang malalim ang iniisip.
"Menstruation period... sorry kung mainisin ako."
"Hindi 'yan ang reason." Nakatitig na.
Sinalubong ko iyon. "Ano pala sa tingin mo? Immature ako? Immature ang love ko para sa'yo? Sigurado ba na hindi rin immaturity ang sa'yo?" Nilabas ko ulit ang inis.

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Acción"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...