"Let no feeling of discouragement prey upon you and in the end, you are sure to succeed." - Abraham Lincoln
*****
Pagdating ng gabi.
"Hey, three faces."
Salubong sa akin nang pumasok ako sa condo ni freak para makitulog. "Anong three? Nakadrugs ka ba? Isa lang mukha ko." Tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo, tinanggal ang sapin sa paa.
"Fake, freak and ugly, iyan ang ibig kong sabihin."
Iniba ko ang usapan, "Gawan mo nga ako ng nude painting."
Halos nasuka sa narinig. "Nakikita ko pa lang anino mo naduduwal na ako, katawan mo pa kaya?"
"Sige, kay Emerald na lang ako magpadrawing. Ayos lang ba ipost ko sa kwarto mo ang obra maestra?"
Mas lalong nairita. "Ipapasunog ko kayong dalawa."
"Evil witch." Inagaw ko ang kinakaing ubas sa malaking bandihado at dumikit dito.
Hindi ito lumayo. Sumandal sa sofa at pumikit. "Nakailan ka na?"
Tungkol sa ex-boyfriends? "Eighty-six, bakit?" Sagot ko.
"Hindi mo man lang ba itatanong kung nakailan ako?"
"Alam ko naman kahit anong gawin mo hindi--"
"Eighty-five."
Dalawang segundo bago nagsink in. "Weh? Totoo?"
Inagaw ang prutas. "Double time ugly, baka magising ka na lang may rehas sa harap mo at kung swertehin ay sana mabulok ka na sa loob."
Kuha ko ang ibig niyang sabihin. "Huwag kang mag-alala, baka bukas tapos na ako," at ease pa ang sarili.
"May nakapila akong sampung manliligaw, bukas sasagutin ko la--"
"Ang usapan ay one at a time."
"Bakit, pwede ko naman sagutin ang una ng 6 a.m. bukas at break na tapos after one minute ang sunod--"
Tinawanan ko lang. "Take a break, Georgie." Inagaw ko muli sa kanya ang bandehado saka sumubo ng sunod sunod.
"Ano ang pinakaplano mo?" Nag-iba ang tono.
Palagi natatanggap ang ganyan tanong. Ako naman ay nagsasabi ng totoo, hindi ang tungkol sa ex-boyfriends. "Hmm, magmamasid muna ako, nakahanda at pinaghahandaan ko naman ang mangyayari. May tatlong bagay lang akong gusto kong mapasaakin. Ang isa doon ay hinagad ko mula ng malaman ko kung sino ako. Ang sunod ay malabo pa kung kailan magaganap, basta at peace ako kapag nandyan ang bawat isa. Ang huli ay ang pinakagusto ko sa lahat... ang manatili sa tabi niya," walang emosyong sabi ko.
Pagtingin ko sa katabi ay nakapikit na naman, hindi natutulog kundi malalim ang iniisip.
"Antok na ako," sabi ko at pumunta sa silid nito. Naabutan ang usual na itsura ng loob - warshock. Binalewala at binagsak ang katawan sa kama, itinulog muna ang lahat.
Kinabukasan ay dumating.
Ang ayon sa plano ay hindi ko nasunod dahil tanghali nagising ay nahuli sa usapan. Ang labas ay pumunta ng mag-isa sa site, sa teritoryong iyon. Si Baru Dex ang taong itutuloy ang lahat kahit wala ako!
Isinuot ko ang contact lenses, para takpan ang kulay ng mga mata at makikita ng mas malinaw ang paligid. Nagsuot ng damit sa dating istilo, isang loose at mahabang white polo shirt at green jeans na hapit sa mga binti. Ipinares ang stylish rubber shoes para madaling makagalaw. Ang agaw pansin na buhok ay itinali bilang ponytail.

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Aksi"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...