"It's kind of fun to do the impossible." - Walt Disney
*****
Sa trabaho.
Ang mga sumunod na linggo ay nilagyan ng kaseryosohan ang galaw, umangat ang ranggo at nakabilang sa junior agents. Binibigyan ng mga simpleng assignment at kung minsan ay isinasama sa mas malaking operation kasama ang may matataas na ranggo.
Pero ang ugali ay walang pinagbago. Hinahayaan na lang ako ni papa. Hinahayaan dahil wala na halos oras para sa akin, sa napakarami at napakalaking trabahong nakasalalay dito. Parehas sa lahat, iyon ay dahil sa Black Diamonds.
Lahat ng maisip at kakayahan para mahuli ang grupong iyon ay pinagplanuhan at isinasagawa, ang resulta ay wala.
Ni mahawakan ay hindi nangyayari, ang hulihin pa kaya?
Ang role ko dito ay pagmasdan sila. Si Denise ang gumagawa ng pag-espiya kaya inosente ako sa bagay na iyan.
"Sunod sunod ang pagkuha nila sa mga itim na bato, halos sakop nila ang buong bansa."
"Who the heck are they?!"
"Bakit kaya nila ginagawa ito?"
"Ang part natin ay lahat questionable. Masasagot lang ang maraming tanong kung makakahuli tayo kahit isa."
"May pa-in na hinanda para sa kanila ang binuong grupo ng pulisya. Hiningi ang tulong ng agency kaya may pinadala sa kanila si Commander Marle. Sana mangyari ang ayon sa plano."
Ganyan ang mga ilan sa usapan kapag ang topic ay ang grupong iyon. Ako naman ay ganito ang reaksyon minsan, "Bakit kasi ang hirap nila hulihin? Sino ba kasi ang black diamonds na iyan? Balit black? Hindi ba pwedeng white ang kunin nila?"
Minsan nahuli akong nagsasalita ng ganoon at nasa likod ko na pala si Baru Dex Frix. Kaya pala naging ilag ang mukha ng mga kakwentuhan ay dahil sa presence ng isang iyon - scary. Nang lingunin ko ay ang cold ng eyes, parang galing sa Antartica ang drama.
"Nahuli ka tuloy!" Saway sa akin pagkaalis ng taong iyon.
"Badtrip kasi sila. Noon, tinitingala sila bilang magagaling, ngayon ay challenging ang image," habang kinukotkot ko ang ilalim sa loob ng plastic ng potato chips.
May isang paparating, kagaya ko ay junior din ito, nagmamadali at nagpreno sa harapan namin ng humihingal.
"May nahuli na bang black diamond?" Tanong ng isa agad sa bagong dating.
"Malapit na!"
"Papaano?!" Nagsilapitan ang iba.
"Dumating na sila!"
"Sinong sila?"
"Ang pambato ng pinoy sa sea games?" Tanong ko, masasamang tingin ang natanggap.
"Ang special troop!"
"Ha?!"
"Talaga?!"
Maraming reaksyon. Parang tagapagligtas ang mga iyon. "Bakit saan ba sila galing?" Tanong ko ulit, ang labas ay parang binawi sa kanila ang magandang balita.
"Hindi mo alam?"
"Kaya nga nagtatanong di ba?"
"Kainis ka talaga, Nike. Low gets ka ba o huli sa balita?"
Napaismid ako.
"Pinapadala sila sa iba't ibang bansa o kaya nagpipirmi dito pero ang mga mission nila ay ang pinakamahihirap sa lahat."

BINABASA MO ANG
BOOK 6 - COVERTURE
Action"Mukhang lahat ng lalaki ay balak mo makarelasyon." - From K Jade Lynn Nike, is a woman who stands with a playful attitude but with a hidden birthright that can capture the interest of even the so-called Elite Community. She joins the black diamond...